MA at PA
ni Rommel Placente
SA latest vlog ni Vilma Santos na guest niya ang anak na si Luis Manzano at ang asawa nitong si Jessy Mendiola, nagbigay siya ng payo sa dalawa ngayong malapit nang maging magulang.
Sabi ni Vilma, “Ako kasi, as Momsy V, I’m so excited and continuously praying for Peanut (palayaw ng magiging anak nina Luis at Jessy) to be okay. And siyempre, para naman sa inyo, to my son, I’m happy too, because he’s happy.
“For you Daddy, for you Mommy, it’s going to be the next chapter in your lives. I am not saying it’s going to be very, very smooth,” paalala ni Ate Vi.
Patuloy pa niya, “Pero, still, the most important thing is, lagi kayong mag-iisip nang pareho, as one. Kasi, wala na kayong choice eh. Mag-partner kayo.
“Marami kayong pagdadaanang challenges. May mga time na mag-aaway kayo, sa totoo lang. May time pag-aawayan niyo rin si Peanut, sa totoo lang.
“But ang pinakaimportante, as long as the love and respect is there. Uulitin ko, the most important unit in our society, is family. Lahat ng inspirasyon, strength, encouragement, lahat ‘yan manggagaling ‘yan sa pamilya,” ang paalala pa niya sa mag-asawa.