ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAGDIWANG at ginunita ni Senator Imee Marcos ang Sept. 11 birthday ng dating Pangulo na si Ferdinand Marcos Sr. sa dalawang bagong vlog entries na eere sa kanyang opisyal na YouTube Channel ngayong weekend.
Sa Setyembre 16, ibabahagi ni Sen. Imee ang mga eksklusibong video clips ng katatapos lamang na kanyang pagbisita sa Sarrat Central School – na paaralan ng dating Pangulo. Dito, binisita niya ang dating classroom ng kanyang ama habang nakipagkuwentuhan ito sa pinsan ng Pangulo na si Mary Ann Abad na nagbigay ng mga istorya sa pagiging estudyante ni Pangulong Marcos at pati na rin ang sikat na istorya ng Langgam.
Pumunta din ang Senadora sa lumang tahanan ng mga Marcos sa Ilocos Norte na mayroong istatwa ng batang Ferdinand Marcos na nagsusulat sa isang lamesa.
Tinapos ni Imee ang kanyang pagbisita sa Malacañang of the North kung saan makikita ang iba’t-ibang memorabilia ng mga Marcos.
Ang vlog naman sa Setyembre 17 ay magpapakita ng pagbisita ni Imee sa Tanay, Rizal para sa opisyal na launching ng Nutribun – na may bago at mas pinaganda at mas pinasarap na bersiyon ng tinapay na nagbigay ng nutrisyon sa batang estudyante noong 70’s at early 80’s.
Ibinahagi ng senadora ang istorya sa likod ng Nutribun habang inlunsad din nito ang Nutribus – na isang food bus na iikutin ang buong bansa habang namimigay ng libre at masustansiyang pagkain. Inilunsad din ang Nutirbun sa Ilocos Norte at Concolacion, Cebu.
Maging bahagi ng pinakabagong adventures ni Senator Imee – mula Ilocos hanggang sa Tanay, Rizal, at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.