Saturday , November 23 2024
KimXi Kim Chiu Xian Lim Dado Lumibao

KimXi nanibago sa muling paggawa ng pelikula

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Xian Lim na nanibago sila ni Kim Chiu sa paggawa ng pelikula at sa muling pagsasama. Ito ang naibahagi ng aktor sa isinagawang media conference kahapon ng hapon para sa kanilang adaptation ng hit Korean movie na Always na mapapanood sa Setyembre 28 sa mga sinehan na idinirehe ni Dado Lumibao.

Ani Xian nang kumustahin ang muling paggawa nila ng movie ni Kim, “Ang tagal na rin na 7-8 years na hindi kami nakagagawa ng pelikula. It feels nakakapanibago and noong unang nagkasama kami ni Kim in front of the camera parang may kaunting kahiyaan pa nga, in a way.”

Idinagdag pa ng aktor/direktor na, “iba talaga ‘yung environment sa paggawa ng pelikula eh, parang, ‘paano ba?’ And parang ‘sige wait lang let’s take a step back and try to figure this out and nakaka-ano… the feeling of just being back and working with Kim again in the big screen is such a joy.”

Ako naman is very thankful kasi this is my first movie with Viva Films and finally napayagan akong gumawa outside ABS-CBN,” sabi naman ni Kim. “Nabigyan ako ng Korean adaptation movie and then with Xian pa and parang  him as a director now igina-guide niya rin ako kasi sometimes nakalilimot ako na bulag nga pala ako ha ha ha. ‘Yung mga ganoong points so gina-guide niya (Xian) rin ako. Ang pagiging komportable namin sa isa’t isa which is hindi naman hinihingi sa amin ni direk hindi na rin namin siya pinahirapan and komportable kami sa isa’t isa. And gina-guide rin namin ang isa’t isa so, it’s easy sa work namin, sa work environment,” kuwento naman ni Kim.

Inamin din ni Kim na nakaka-miss sabihin ang ‘in cinema nationwide.’  “Para sabihin namin ang ‘in cinema nationwide’ parang nakaka-miss sabihin dahil ang tagal din na hindi nagkaroon ng movie. And this is also one of the biggest challenge na haharapin namin ni Xian aside sa aming comeback is ‘yung i-comeback namin ang mga tao na panoorin ang local movie sa sinehan and then kapag narinig namin ngayon after pandemic ng, ‘may movie manonood tayo ng sine ‘yung Marvel. ‘Yan ang pinanonood ng mga tao.

“Sana this time maudyukan namin ang mga tao na to go to the movie and watch our movie, watch our movie in a big screen kasi mas maganda, mas malaki, kasama mo ‘yung loved ones mo mag-iyakan kayo roon magtawanan, ma-inlove. Hindi ba mas masaya after kain kayo sa labas?

“Na-miss din natin ang ganoong feels before pandemic ang hilig nating manood ng movie. Sana this time maging daan kami sa mga tao na bumalik sa mga sinehan,” umaasang sabi ni Kim dahil nga sa paglabas din ng iba’t ibang klaseng platforms sa pagpapalabas ng mga pelikula.

Samantala, natanong si direk Dado ukol sa kung ginaya ba nila ng 100 percent ang Korean version ng Always.

Anang mabait na direktor, “We are faithful doon sa flow ng narrative hangga’t maaari talagang ginawa namin gaya ng ‘Always’ sa Korean version. Pero rito sa Filipino version naglagay kami ng kilig and mas emotional, mas dramatic siya towards the end. 

“And I would like to believe na ‘yung sensibility nito mas in-adopt namin sa Pinoy na sa Filipino audience. I’d like to believe na the characters of Kim and Xian ay mas human, mas warm, mas naramdaman natin ang pain and struggle nilang dalawa,” paliwanag pa ng direktor.

Ang Always ang muling magpapakilig at mananakit sa atin na handog ng KimXi. Ang Korean version nito ay pinagbidahan nina Jo Ji-Sub (Oh My Venus, Doctor Lawyer) at Han Hyo-Joo (Dong Yi, W). May mga adaptation na rin ito sa Turkey, India, at japan, Ito ay isang romantic drama movie ukol sa dalawang taong may magkaibang pananaw sa buhay na parehas na winasak ng malupit na mundo.

Ang Always ay adapted into screenplay ng award-winning writer na si Mel Mendoza-Del Rosario. Produced ng Viva Films at mapapanood na sa Sept. 28, 2022.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …