Thursday , January 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raymond Bagatsing Janelle Tee Ava Mendez The Escort Wife

Janelle Tee, patok sa acting at lampungan sa The Escort Wife

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGPAKITA nang kakaibang acting si Janelle Tee sa pelikulang The Escort Wife na palabas na ngayong September 16, 2022 sa Vivamax.

Tampok din dito sina Raymond Bagatsing at Ava Mendez, mula sa pamamahala ni Direk Paul Basinillo.

Marami ang pumuri sa sinasabing intense na acting dito ni Janelle na gumaganap bilang si Patrcia, isang bored na wife ng abalang doktor.

Ayon kay Janelle, isinapuso niya talaga ang character ni Patricia sa pelikula. “Salamat po sa inyo, pero hindi ko rin magagawa iyon sa kundi tulong ni Direk Paul, Direk Yam, at mga co-actors ko, thank you po at na-appreciate nyo yung aming hard work.”

Ang pagkabagot, kuryosidad, at kagustuhang gumawa ng mga exciting na bagay na wala sa lugar ay maaaring magdulot ng kasiraan sa sarili at sa kapwa. Ito ang ipakikita ng Vivamax original movie na The Escort Wife. Si Janelle ay isang maybahay na madalang lumabas. Nasa late 20’s pa lamang siya at tulad ng mga babaeng ka-edad niya, gusto ring makaranas ng iba’t-ibang adventure. Pero hanggang sa pagmamasid lamang ang nagagawa ni Patricia mula sa bintana ng kanilang bahay, pinapanood niya ang mga tao sa labas. Sa ganitong paraan niya makikita ang isang magandang babae na nakikipagtalik. Naging matindi ang interes ni Patricia sa babaeng iyon hanggang sa inalam na niya ang mga galaw nito.

Si Chrissy, na isang prostitute, ang inii-stalk ni Patricia, na ginagampanan ni Ava. Gusto na niyang iwan ang trabahong ito at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral upang makapagtrabaho nang marangal at yumaman nang husto. Gusto niyang maging kasing-yaman ng kanyang mga kliyenteng lalaki. Isa rito ang asawa ni Patricia na si Roy (Raymond). Si Roy, isang doctor na mula sa mayamang pamilya.

Hindi nito gaanong binibigyang pansin si Patricia. Hindi magtatagal ay madidiskubre ni Patricia ang kaugnayan nito kay Chrissy at hindi niya mapipigilan ang kanyang galit. Dito makikita ang kakaibang twist ng pelikula na dapat abangan.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …