SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
BAGAMAT kinuha na ng politika ang aktor na si Arjo Atayde, hindi pa rin siya nawawala sa showbiz. Kamakailan nabalitang pasok sa Cannes film festival ang upcoming thriller movie niyang Cattleya Killer. Ipi-present ito sa MIPCOM Cannes 2022.
Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ni Arjo. Ani Arjo sa kanyang Instagram stories, “Representing PH in mipcom Cannes festival for the first time. Man, I can’t even explain how grateful I am to be part of this.”
Ibinahagi naman ng kanyang fiance na si Maine Mendoza ang official movie poster nito gayundin ang kanyang inang si Sylvia Sanchez.
Ang ABS-CBN International Productions ang magre-represent ng newest series na Cattleya Killer sa mga delegado, buyers, at international press sa MIPCOM Cannes 2022.
Kaya naman may pagkakataong ma-meet ang Asian Academy Creative Awards 2022 Best Actor na si Arjo ng live kasama ang mga co-star niya at ang producer nitong si Ria Atayde gayundin ang ABS-CBN’s Head of International Production and Executive Producer na si Ruel S. Bayani.
Sa Cattleya Killer, gaganap dito si Arjo bilang serial killer na pumapatay sa mga unfaithful wife at nag-iiwan ng cattleya flower bilang signature.
Kabilang sa cast sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Zsa Zsa Padilla, Jane Oineza, Ricky Davao, Nonie Buencamino.
Magkakaroon ito ng special screening sa Oktubre 19, 10:45 a.m. sa Auditorium A Palais des Festivals, Cannes France.