Tuesday , May 13 2025
Sa Sta Maria, Bulacan 4 TIKLO SA ILEGAL NA BENTAHAN NG BUTANE, LPG

Sa Sta. Maria, Bulacan
4 TIKLO SA ILEGAL NA BENTAHAN NG BUTANE, LPG

HINDI na nakapalag ang apat na katao nang dakpin ng mga awtoridad matapos maaktuhan sa ilegal na pagbebenta ng mga produktong petrolyo sa Brgy. Caypombo, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 13 Setyembre.

Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, nagkasa ng buybust operation ang magkasanib na puwersa ng Bulacan CIDG at Sta. Maria MPS na nagresulta sa pagkakadakip ng apat na indibiduwal dakong 7:40 ng gabi kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Jay Sabinori, Lalaine Tompong, Rolly Enting, at Roy Mahusay na inaresto matapos ang napagkasunduang bentahan ng ilegal na produktong petrolyo.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 30 lata ng butane, anim na kahon ng butane canister na may liquefied petroleum gas (28 lata bawat kahon), anim na kahon ng basyong lata ng butane (28 lata bawat kahon), 19 na sako ng basyong lata (50 kahon bawat sako), 18 tangke ng LPG, anim na basyo ng LPG tank, isang refill mechanism na may hose pipe, dalawang timbangan, isang mobile van, at marked money na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyan nang nakakulong na sa Sta. Maria MPS custodial facility ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong Illegal Selling of Petroleum Products alinsunod sa PD 1865. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …