RATED R
ni Rommel Gonzales
SA tinagal-tagal ni Dominic Ochoa sa showbiz ay ngayon lamang siya mapapanood sa isang teleserye sa GMA, at ito ay sa Abot Kamay Na Pangarap.
Mga guestings lamang ang nagawa niya sa Kapuso Network sa mga nakalipas na mga taon.
“I first guested sa TGIS in 1996, if I’m not mistaken.”
Bukod doon ay nakapag-guest din siya kasama si Mylene Dizon sa isang show ng dating direktor na si Soxy Topacio.
“But other than that ito ‘yung pagbubukas ng pintuan ulit,” at tumawa si Dominic.
Ano ang pakiramdam na sa unang pagkakataon ay kasama siya bilang regular cast member, hindi bilang guest, sa isang GMA drama series?
“You know, very thankful ‘no, na it came sa tamang oras ‘yung pagtawag sa akin, pag-alok sa akin nitong role, and hindi rin naging mahirap para sa akin na magdesisyon na um-oo dahil nakatrabaho ko na ‘yung mga, may ibang nakatrabaho ako pati ‘yung mga direktor pati ‘yung PM, and for the people naman na katrabaho ko ngayon na first time it made it easy for me bond and relate with them.
“From the production, from the bosses, and the artists of GMA, napakainit ng kanilang pagtanggap sa akin dito!”
Sa direksiyon ni LA Madridejos, bida sa Abot Kamay Na Pangarap sina Jillian Ward at Carmina Villarroelkasama sina Richard Yap, Pinky Amador, Andre Paras, Chuckie Dreyfus, Sophie Albert at marami pang iba. Mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.