Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Fire Brgy Balingasa

Arjo mabilis na umaksiyon sa mga nasunugan sa Bgy Balingasa

NAPAKA-SUWERTE ng mga taga-District 1 ng Quezon City dahil nagkaroon sila ng kongresistang mabilis umaksiyon. Ang tinutukoy namin ay ang aktor na si Arjo Atayde na agad sumugod sa Don Manuel, Barangay Balingasa nang malamang nasusunog ang ilang tahanan doon.

Walang takot na animo’y nasa isang taping lang si Arjo na umakyat sa bubungan ng isang bahay doon para masilip ang laki at lawak ng pinsala ng sunog. Ito’y ginawa niya habang may sunog. 

Dahil sa laki ng pinsala ng sunog sanhi ng faulty electrical wiring na mabilis kumalat sa may 700 kabahayan noong Setyembre 8, agad nakipagsanib-puwersa ang aktor/kongresista sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) gayundin kay Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa mabilis na pagbibigay-tulong sa mga apektado ng sunog.

Kaagad naipamahagi ang tulong kinabukasan sa mga taga-Barangay Balingasa sa pamamagitan ng DSWD. 

“It only took one phone call for DSWD Secretary Erwin Tulfo to respond,” ani Arjo. “President Bongbong Marcos have chosen an action man to head DSWD and we at the district could not thank him enough for his quick response.”

Nag-donate ang DSWD ng P5,000 cash assistance at relief boxes sa bawat pamilyang naapektuhan ng sunog samantalang regular na nirarasyunan ng team ni Arjo ang malinis na maiinom ng tubig ang mga ito. 

Patuloy din ang pag-uusap ng team ni Arjo at mayor Joy para sa mabilis na plano sa kung paano maitatayo o mabibigyan ng kabahayan ang mga naapektuhan gayundin ang patuloy na pamamahagi ng pagkain, tubig, at medisina sa bawat pamilya. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …