Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zeinab Harake Rhea Tan

Takot pang pasukin ang showbiz
ZEINAB PINADAGUNDONG ANG BEAUTEDERM MALL SHOW

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 HINDI artista pero grabe tilian at pagkaguluhan si Zeinab Harake, ang sikat na vlogger at social media superstar at pinakabagong brand ambrassador ng Beautederm oral care products na Koreisu Family Toothpaste, Koreisu Whitening Toothpaste, Etré Clair Refreshing Mouthwash, at Etré Clair Mouth Spray.

Dumagundong ang Ayala Mall Cloverleaf noong Linggo nang tawagin si Zeinab bilang parte ng Beautederm mall show para sa grand opening ng isang ng Beautederm store na matatagpuan sa 2nd floor ng mall.

Grabe  pala talaga ng kasikatan ni Zeinab na talagang dinayo ng kanyang fans ang Ayala mall para makita ito ng personal. Kinilabutan kami nang tawagin si Zeinab sa stage at marinig ang sobrang tilian at pagkakagulo ng fans. Ganoon din ang naramdaman namin noon kay Daniel Padilla na grabeng pinagkakaguluhan sa kanyang mall tour. 

Sayang nga lang at hindi pa feel na pasukin ni Zeinab ang showbiz dahil natatakot siya. “Feeling ko kasi hindi pa ako handa na sumabak sa acting,” anito sa launching sa kanya bilang ambassador ng oral care products ng Beautederm.

Pero hindi na pala bago ang showbiz kay Zeinab dahil nasubukan na niya ito noong bata pa siya pero hindi niya kaya ang demands sa pagiging artista. Ang parents niya ang may gusto siyang mag-artista na pinag-audition siya sa ABS- CBN, GMA at kung saan pa. 

Kuwento ni Zeinab, naranasan niyang maging ekstra sa mga TVC noong bata pa siya. “Talagang nakita ko kung gaano kahirap at kagaling ‘yung mga artista. Parang hindi ko kaya ang ginagawa nila. Magiging totoo lang po talaga ako sa kung hanggang saan ang kanya ko,” paliwanag pa nito habang kaharap ang CEO at presidente ng Beautederm Corp na si Ms Rhea Anicoche-Tan.

Sa kabilang banda, isang stellar addition si Zeinab sa Beautéderm na patuloy na isinusulong ang mga kamangha-mangahang produkto tulad ng skin care essentials, health boosters, home fragrances, iba’t ibang klase ng mga sabon, at marami pang iba.

Si Zeinab ay may mahigit sa 50 million followers sa Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, at YouTube. Isa rin siya sa pinaka-impluwensiyal na personalidad sa social media dahil sa kanyang mga lifestyle vlogs at challenge videos na talaga namang paboritong paborito ng mga netizen ‘di lamang dito sa Pilipinas pati sa buong mundo.

Kasama na si Zeinab ng mga local at regional brand ambassadors mula Luzon, Visayas, at Mindanao na kumakatawan sa Beautéderm tulad ng mga public servant  na sina Alex Castro, Bulacan Vice Governor; Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon; dating San Juan City 2nd District Councilor Jannah Ejercito; 3rd District City Councilors Kate Coseteng at Wency Lagumbay; Atty. Kaye Revill; Vigan Councilor Janina Medina-Fariñas; San Manuel, Tarlac Mayor Donya Tesoro; at internationally-acclaimed dramatic actor Arjo Atayde na Congressman ng Unang Distrito ng Quezon City.

Ang illustrious roster na celebrity ambassadors ng brand naman ay kinabibilangan nina  Lorna Tolentino, Glydel Mercado, Ton Ton Guttierez, Gabby Concepcion, Sylvia Sanchez, Alma Concepcion, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Darren Espanto, Enchong Dee, Ria Atayde, Carlo Aquino, KitKat, Jane Oineza, Pauleen Mendoza, Sanya Lopez, Rita Daniella, Ruru Madrid, Bianca Umali, Cassy Legaspi, Dessa, Alynna Velasquez, Luke Mejares, Boobay, Kakai Bautista, Anne Feo, Jimwell Stevens, Sherilyn Reyes-Tan; mga media personalities na sina DJ Cha Cha, Jana Roxas, DJ Jai Ho, at Darla Sauler; gayundin sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Jelai Andres, Korina Sanchez-Roxas, Dingdong Dantes, Maja Salvador, Hashtag RyleAndrea BrillantesJC SantosBeauty Gonzalez, at Marian Rivera-Dantes.

“Lumalaki na talaga ang Beautéderm family natin at ang saya saya,” sabi ni Tan. “Sinasalubong namin si Zeinab sa aming pamilya at welcome na welcome addition siya sa pagkalat namin ng mensahe ng pagmamahal ng Beautéderm sa kanyang 50 million fans online. I am so grateful for the love and support of all my ambassadors who remained loyal to Beautéderm after all these years and I am excited to be with our new ambassadors and have an exciting adventure with them in the years to come.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …