Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

Natunton sa CSJDM
PUGANTENG TULAK SA SELDA ISIN’WAK 

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking matagal nang nagtatago sa batas sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 12 Setyembre.

Dakong 12:45 am nang magkakatuwang ang mga elemento ng SOU 3, PNP DEG bilang lead unit at pinamumunuan ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, mga tauhan ng San Jose del Monte CPS, Malolos CPS, 1st PMFC, PIU Bulacan PPO, CIDG PFU at RDEU, na isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek na kinilalang si Leonardo Belagin, 50 anyos, sa kanyang pinagtataguan sa TC 4, Area G, Brgy. Citrus, sa nabanggit na lungsod.

Inaresto si Belagin sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inilabas ni Presiding Julie P. Mercurio ng Malolos City RTC Branch 12, walang itinakdang  piyansa.

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng San Jose del Monte CPS ang suspek para sa dokumentasyon  at nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …