Sunday , December 22 2024
marijuana

500 gramo ng damo buko sa ukay-ukay

NABUKO ng mga awtoridad ang 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana o ‘damo’ na itinago ng 19-anyos binata sa ukay-ukay na ipapadala sa pamamagitan ng isang delivery service sa Quezon City, Lunes ng umaga.

Ang suspek ay kinilalang si Clachy John Balansag De Quiroz, 19, binata, at naninirahan sa Unit 3B 123-A N. Domingo, Balong Bato, San Juan City.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD, Batasan Police Station (PS-6), bandang 8:35 am kahapon, 12 Setyembre nang maaresto ang supek sa JRS Express na nasa loob ng Robinsons Berkely, Commonwealth Ave., Brgy. Matandang Balara.

Ayon kay Jessa Betagan ng JRS Express Counter, habang iniinspeksiyon niya ang bagahe na ipapadala ng suspek ay nakita niya ang mga nakasiksk na marijuana sa mga damit na ukay-ukay.

Pasimpleng umalis si Betagan at inireport sa kanilang mga security guard na sina Arnel Ayson Almado at Joel Bernandez Latizar ng North Shooter Security Agency ang kaniyang nakita dahilan upang arestohin ang papatakas na sanang suspek.

Agad dinala sa PS-6 ang suspek na nakompiskahan ng aabot sa 500 gramo ng marijuana, tinatayang nagkakahalaga ng P60,000.

Nakapiit ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …