Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
KUNG sakaling magkaroon ng food crisis sa darating na buwan ng Oktubre, kakulangan sa suplay ng bigas, karne, manok, baboy, asukal, sibuyas, paano na tayong mga Pinoy?
Tataas na ng P2 hanggang P4 ang kilo ng bigas at ulam, na magkasama sa tanghalian, hapunan, ano na ang kakainin ng Pinoy?
Kung puwede lang darak, ‘di ba? Ang sibuyas na puti, mahirap ngayon hanapin, walang makita sa mga pamilihan. Puro sibuyas na pula na at sibuyas na buhat sa bansang China.
Lahat tumaas, hirap na hirap na lalo ang mga Pinoy kung paano pagkakasyahin ang kanilang badyet sa pang-araw-araw.
Babala ni Agriculture Undersecretary for Policy Planning and Research Fermin Adriano, posibleng sa buwan ng Oktubre dumanas ng food crisis ang mga Pinoy.
Sana magawan ng paraan ito ng bagong administrasyon ni FM Jr., dahil mas maraming magugutom!
KARNE NG BABOY
‘DI NA UBRA SA
DOMESTIC FLIGHTS
Noon pa man sa mga international flights ay mahigpit na ipinagbabawal ng Philippine Airlines ang pagbibitbit sa mga bagahe ng mga karne ng baboy at kahit anumang produkto na may sangkap ng karne ng baboy gaya ng mga chicharong baboy.
Ang dahilan ng PAL ay upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever sa bansa. Pero hindi lahat ng rehiyon sa bansa ay ipinagbabawal ito, ilang piling lugar lamang ang ipinagbabawal ito.
Ang gulo rin ng sistema ng PAL, pinili lang ang mga lugar na bawal ang pagbitbit ng karneng baboy dahil ang ilang lugar sa bahagi ng Visayas ay puwedeng isakay sa PAL.
Bakit kailangang piling lugar lang at hindi pa lahat. Parang tao, na kapag pangit ka ‘di ka puwede sumakay, magaganda at guwapo lang ang ubra?
Ang ASF, madali ang paglaganap dahil sa kapabayaan, isama na ang kawalan ng atensiyon ng local government partikular ang mga City Health at Municipal Offices sa bansa.
Isama mo na ang mga barangay na dapat sakop ng kanilang komunidad, sila dapat ang unang nakaaalam. E kaso laganap na ang ASF bago aksiyonan! Lalo na kung walang nagrereklamo. Dapat kasi kapag ang isang bayan ay apektado ng ASF ang mga katabing barangay ay maging alerto na agad.
Problema, kinakailangan pang lumala muna bago mag-report sa kinauukulan. Nagkulang din ang mga city at municipal health office sa pagsasagawa ng inspeksiyon sa mga bakuran na may piggery farm
bulag at mga bingi.