Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Markus Paterson

Markus nilinaw ‘di siya nananakit ng babae

MA at PA
ni Rommel Placente

IDINENAY ni Markus Paterson na nananakit siya ng babae.

Ito ang reaksiyon niya matapos makabasa ng tweets na inaakusahan siyang nananakit ng babae.

Walang pinangalanan si Markus, pero mahihinuhang may nakarating sa kanyang akusasyong pinagbuhatan niya ng kamay ang dating nakarelasyon na si Janella Salvador.

Nag-tweet si Markus para nga itanggi na nananakit siya ng babae.

Mensahe niya published as it is, “saw some tweets circulating. FACT: I have NEVER, and WILL never lay my hands on a woman. My parents raised me right. I’ll address the rest on the podcast.”

Sa tweet na ito ni  Marcus, isa itong pagpapaliwanag na hindi niya sinasktan si Janella, ‘di ba?

Hanggang ngayon ay wala pa ring pag-amin sina Markus at Janella na hiwalay na sila. Pero lumalabas na may katotohanan ito matapos kompirmahin ni Janella na isa na siya ngayong single mom.

Sinabi ito ni Janella sa vlog ni Bernadette Sembrano na in-upload noong September 3, 2022.

Samantala, sa isa ring recent vlog na kasama si Markus, nagbitaw ang aktor ng maanghang na pahayag na huwag mag-date ng babaeng taga-showbiz.

Sabi niya: “P*t*ng i*a, kung may lessons ako sa mga relationships ko, never to f*ck*ng date someone in the industry.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …