Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

Sa one-time big time ops vs ilegal na sugal
130 SUGAROL SA BULACAN SWAK SA SELDA

ARESTADO ang may kabuuang 130 indibidwal sa isinagawang one-time big time operation laban sa mga ilegal na sugalan ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 6 Setyembre.

Sa ulat kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, isingawa ang serye ng mga anti-illegal gambling operations ng mga tauhan ng mga police stations at Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Bulacan PPO na nagresulta sa pagkaaresto ng 130 suspek.

Dinakip ang 30 sa kanila sa mga illegal card games, 25 para sa  billiard games, 20 para sa cara y cruz, 10 para sa mah-jong, siyam sa number games, pito ang dinakip sa peryahan, tatlo sa tupada, at 26 iba pa para sa ibang uri ng sugal tulad ng poker, color game, bingo, online sabong, at drop ball.

Nakompiska ang sari-saring gambling paraphernalia at perang taya sa iba’t ibang denominasyon mula sa mga suspek na nahaharap sa reklamong kriminal na isasampa sa korte.

Pahayag ni P/Col. Cabradilla, ang pagsisikap ng Bulacan police sa mahigpit na kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad ay kaugnay sa direktiba mula kay PNP Region 3 Director P/BGen. Cesar Pasiwen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …