Thursday , December 26 2024
ULINIG ni Randy V. Datu
ULINIG ni Randy V. Datu

Sa dumaraming imported frozen
AGRI-PRODUCTS MULA CHINA, ATBP PAMILIHAN, LIGTAS NGA BA?

ULINIG
ni Randy V. Datu

MULA nang isulat ko ang column na Ulinig sa respetado at nangungunang tabloid sa bansa, ang “D’yaryong Hataw” kabilaan na ang natatanggap kong reklamo tungkol sa umano’y kapalpakan sa pamamalakad ng ilang leader at ahensiya sa pamahalaan.

               Sa totoo lang, sa rami nito ay halos paulit-ulit na lamang na tila ba sinasadya talaga ang mga ganitong suliranin.

Kaya sa pagkakataong ito ay hindi na natin palalagpasin ang isyung ito, kaya ating talakayin ang bagong naULINIGan dahil kalusugan na at kaligtasan ng mamamayan ang nakasalalay.

Sa paglipas ng maraming taon, napapansin ba natin na napakaiksi na lamang ng “life span” ng sang-katauhan? Dahil iyan sa ating mga kinakain na bagaman totoong masasarap, ay may katotohanang unti-unti nang lumuluwag ang hawak sa iyong buhay dahil sa pagkaing hindi healthy sa ating katawan.

Marahil ay walang kamalay-malay ang marami sa atin at namamangha sa tila kabuteng nagsilitawan ang maliliit na resto na may “Unli Samgyup,” kung tawagin sa Koreano.

               Ayon sa ating naULINIGan, ang mga pagkain mula sa Korea ay healthy dahil sariwa at may balanseng nutrisyon. May kamahalan nga lamang kompara sa pagkaing lokal.

Sa ganitong sitwasyon, kinahiligan na natin ito at dumami ang mga supplier ng karneng baboy na hindi natin malaman kung saan nanggaling.

Hanggang lumapit ang ilang kababayan nating manininda ng karneng baboy, at naglabas ng sariling konsensiya kaugnay sa mga karneng baboy kung tawagin ay “JOWLS” na animo’y “bumabaha” sa maraming pamilihang bayan sa bansa, kabilang ang Olongapo, at wala tayong kamalay-malay.

Ang “JOWLS” ay mga karneng baboy na dumarating mula sa ibang bansa partikular sa China na halos anim na buwan nang “frozen” at nakakarton na patagong ibinebenta ng ilang vendor sa pamilihan sa murang halaga na naglalaro sa P250-280, mas mababa kompara sa mga sariwang karne mula sa katayang bayan na nasa ₱350-380 isang kilo.

Bukod sa pamilihang bayan, direktang idini-deliver sa mga restaurant at karinderya. Kalimitan umano’y inihahalo ng ilang magkakarne sa mga sariwa dahil halos walang pinagkaiba pagdating sa hitsura.

               Ibinunyag sa atin na hindi lamang karne ng baboy, kundi karne rin ng manok at isda tulad ng galunggong ang patagong ibinibenta sa mga pamilihan.

Ngunit ano ang ginagawa ng mga opisyal ng ahensiya na nakasasakop sa mga pamilihang bayan na dapat ay mahigpit ang pagpapatupad ng pagsusuri, kaya nga tayo ay mayroong tamang proseso na idinaraan sa ‘katayan ng bayan’ at tinatatakan bilang tanda na dumaan sa tamang pagsusuri at walang nakitang sakit tulad ng foot and mouth disease, bird flu, at iba pang makasasama sa tao.

Isinumbong sa atin na ilan sa mga tauhan ng gobyerno ay alam ang ganitong pangyayari at ang tungkol sa pagkalat ng jowls, ngunit marahil ay nakikinabang umano sa bawal na paninda.

Idinagdag ang ilan sa mga naka-Ulinig natin na halos magsara na ang humahawak sa katayan ng hayop dahil 10-20% na lamang ang dumaraan sa kanila dahil sa mga karneng mula sa ibang bansa.

Sana ay makarating ito sa ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos dahil hindi lamang industriya ng paghahayupan, partikular ang mga lokal na magbababoy, ang pinapatay ng pagpasok ng karneng JOWLS, ngunit maging ang kalusugan ng mamamayan.

Sa panahong ito na nagsisimula pa lamang bumangon ang sambayanan mula sa dagok ng CoVid-19 Pandemic, sana ay mapigil na ang pagpasok sa bansa ng jowls. Ngunit marahil, suriin muna ang sistema sa pagpapatupad ng batas sa loob ng mga pamilihang bayan sa bansa, at gisingin ang mga nagtutulug-tulugan at nagbubulag-bulagang opisyal ng bayan.

About Randy Datu

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …