Friday , November 15 2024
mindanao

Mindanao next investment destination ng Singapore

INIHAYAG ng Philippine Embassy sa Singapore, ang Mindanao ang susunod na maging investment destination ng Singapore.

Kasunod ito sa naging matagumpay na business mission ng Mindanao Development Authority (MinDA), ang international marketing at promotional arm ng Mindanao island’s investment, business, at turismo, sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy sa Singapore at Philippine Trade and Investment Center.

Ang Mindanao ay nagbibigay ng higit sa 40 porsiyento ng mga pangangailangan sa pagkain ng Filipinas, at nag-aambag ng higit sa 30 porsiyento sa national food trade.

Sa 17 rehiyon ng Filipinas na nagtala ng positibong paglago noong 2021, apat na rehiyon na ang Gross Regional Domestic Product ay bumalik sa pre-pandemic na ang antas lahat ay nagmula sa Mindanao — ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM), Northern Mindanao, Soccsksargen, at Zamboanga Peninsula.

Ang BARMM ay nakapagtala ng pangalawa sa pinakamabilis na paglago sa lahat ng rehiyon sa bansa ng 7.5 porsiyento.

Nagawa ng business mission ang isang Purchase and Supply Agreement sa pagitan ng Bananah & Co.pte Ltd, bilang buyer, at ang Avante Agri-Products Philippines Inc. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …