RATED R
ni Rommel Gonzales
BILANG leader ng grupo ng “runners” sa Running Man Ph, tinanong namin si Mikael Daez kung sa panahon na inilagi nila sa South Korea ay may umiiyak sa challenges o missions, may napipikon, may nagagalit, may nabubuwisit, o sino ang nakatutuwa, etc.?
“Yes to everything! And I think iyon dapat ‘yung abangan ninyo kasi hindi lang siyempre katuwaan, when you watch ‘Running Man OG,’ ‘yung Korean version, makikita mo na yes nakatutuwa siya, nakatutuwa na nasasaktan sila, nagkakamali sila, may nananalo.
“The same with us may nagkakamali, may nasasaktan, may nananalo, may nagtatampuhan, pero I think iyon ‘yung nagbibigay-kulay, I think naiintindihan naming lahat na iyon din ‘yung magic ng ‘Running Man.’
“Na you have seven artists here who you see usually in a very different medium, ‘di ba teleserye, ‘di ba ‘yung iba naghu-host, nagko-comedy, ‘yung iba singer, dancer, so biglang inilagay kami rito sa isang environment na sobrang ibang-iba sa nakasanayan namin.
“So ang daming lalabas na emosyon, pero sa totoo lang, ‘yung emosyon na ‘yun ang inaasahan naming sasakyan ng audience.
“Kasi tayong mga Pinoy gusto natin ‘yung mga ganoon, eh.
“Parang we enjoy ‘yung mga katuwaan, ‘yung mga comedy pero nag-i-invest din tayo sa mga dramahan eh, ‘di ba?”
May dramahan din ba sila sa Running Man Ph?
“I think, mayroon, maybe, maybe pero depende naman ‘yun sa I guess sa edit, but I think part of it is ‘yung relationship naming lahat.
“Makikita n’yo ‘yan, we’re enjoying with one another, kasama na rin lahat ng emosyon na posible ninyong makita roon.”
Ang anim pang runners ay sina Glaiza de Castro, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Angel Guardian, Lexi Gonzales, at Ruru Madrid.
Napapanood ang Running Man Ph (na isang reality-comedy game show) tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:50 p.m. sa Kapuso Network.