ni Ed de Leon
PANAY daw ang ikot ng isang matronang aktres, sa isang watering hole na alam niyang istambayan ng isang bagets na naka-date na niya. Basta gabi ang matronang aktres mismo ang nagda-drive ng kanyang kotse at panay ang ikot sa istambayan ng mga bagets. Iyon naman daw bagets na naka-date na niya at pilit niyang hinahanap ay “nagtatago sa kanya” dahil sinasabi raw niyon na “napakahilig naman ng matandang iyan sobra. Hindi ka talaga titigilan hanggang hindi ka natutuyuan. Mahirap iyong ganoon kahit na malaki pa ang bayad niya,” sabi pa raw ng bagets.
Talaga nga bang sobra pang hot si lola?