Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife, blood, prison

Dalaga pinatay ng lover sa QC

NAAAGNAS na ang bangkay ng 19-anyos dalaga na sinasabing napatay sa saksak ng kaniyang boyfriend, nang matagpuan sa nirerentahan nitong unit sa Quezon City, Martes ng gabi.

               Ang biktima, kinilalang si Daisy Rose Recla Pascual, 19, dalaga, customer care assistant, tubong Davao at nangungupahan sa No. 253 Atherton St., Phase 8, Brgy. North Fairview, sa lungsod.

Agad naaresto ang kaniyang boyfriend na si Aivan Kim Blanco Balate, binata, walang trabaho, tubong Davao, at naninirahan sa Milenyo Covered Court, Phase 8, Brgy. North Fairview, QC.

Sa report ng Fairview Police Station (PS-5), ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 7:23 pm nitong 5 Setyembre, nang matagpuan ang halos naaagnas nang bangkay ng biktima sa loob ng kaniyang unit sa nasabing barangay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/Cpl. Alexiss Mace L. Jurado, inutusan ng landlord na si Julie Gonato ang kaniyang caretaker na si Feli Pepe, na sirain ang padlock ng gate ng 2nd floor at buksan ang inuupahang silid ng biktima kung saan nagmumula ang masansang na amoy.

Nang mabuksan ang pintuan ay sumalubong kay Pepe ang mas lalong lumakas na masansang na amoy at doon ay nakita ang bangkay ng dalaga na halos naaagnas na.

Inireport ng landlord at ng caretaker ang insidente sa kanilang barangay officials, na agad inireport sa himpilan ng pulisya.

Base sa isinagawang follow-up investigation, napag-alaman na ang boyfriend ng biktima ang responsable sa nangyaring krimen kung kaya’t agad inaresto ng mga awtoridad.

Sa pulisya, tikom ang bibig ng suspek at walang ibinigay na detalye kung bakit niya pinatay ang kaniyang girlfriend.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima ng kaniyang landlord noong gabi ng 31 Agosto 2022.

Batay sa ginawang pagsisiyasat ng SOCO Team QCPD Forensic Unit sa pamumuno ni P/Capt. Eric Angay-Angay, may ilang araw nang patay ang biktima na nakitaan ng mga saksak ng patalim sa katawan.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …