SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAKAKAILANG pelikula pa lamang si Sean de Guzman, isa sa alaga ng 3:16 Events and Talent Management ni Len Carillo pero nakita agad ang galing nito. Katunayan, itinanghal siyang Best Ator sa katatapos na Chithiram International Film Festival sa India dahil sa mahusay na pagganap nito sa pelikulang Fall Guy na idinirehe ni Joel Lamangan.
Ang respetado, award-winning, at batikang direktor ang sumugal kay Sean sa pelikulang Lockdown, unang pelikula ng aktor. Si direk Joel din ang tuluyang nagbukas ng pinto kay Sean noong ilunsad niya ito sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer.
At pagkaraan ng Anak ng Macho Dancer, nagsunod-sunod na ang magagandang proyekto ni Sean. At nitong nakaraang araw, si direk Joel din ang dahilan para magkaroon ng Best Actor trophy si Sean dahil ang direktor ang nagdirehe ng Fall Guy.
Congratulations kay Sean gayundin ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong maipakita ang talento sa pag-arte, ang316 Media Network at ang kanyang talent management, ang 316 Events and Talent Management at sa kanyang manager na si Len.
Sa bagong pagkilalang natanggap ni Sean, hindi malayong marami pang pelikula ang ipagkatiwala sa kanya ng Viva Films.