REALITY BITES
ni Dominic Rea
NANAHIMIK na sa limelight si Queen Mother Karla Estrada. Mukhang tutok na sa mundo ng politics ang butihing ina ni Daniel Padilla.
Kamakailan, nagkita-kita sa isang outside their home tsikahan sina Toni Gonzaga Karla, at Mariel Rodriguez-Padilla. Ano kayang pinag-usapan nila? May niluluto bang magandang balita ang tatlo?
Well, kailan naman kaya matutuloy ang pagpapakasal ni Karla sa jowa nitong si Jam Ignacio?
Noong huling naitanong ko ito kay Karla last year sinabi nitong ngayong 2022 sila magpapakasal! Eh matatapos na ang taon ay wala pang kasalang nangyayari. Matutuloy pa ba kaya? Kailan ba talaga ang kasal? Matutuloy na ba ang pangarap niyang may lalaking magdadala sa kanya finally sa altar? Abangan ba?