Friday , November 15 2024

Karpinterong nasa PDEA watchlist nabitag

NADAKIP ang isang lalaking hinihinalang notoryus na tulak ng ilegal na droga at nasa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) watchlist sa isinagawang buybust operation sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 4 Setyembre.

Kinilala ang suspek na si Jose Oliber Marcelo, 56 anyos, isang karpintero at residente ng Brgy. Malipampang, sa naturang bayan, na inaresto sa mga operatiba ng San Ildefonso MPS at SOU, PNPDEG sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Heryl Bruno at sa pakikipagkoordinasyon sa PDEA.

Sa inisyal na imbestigasyon, dinakip ang suspek matapos bentahan ng selyadong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.8 gramo ang pulis kapalit ng isang pirasong P500 bill na marked money.

Nakumpiska mula sa suspek ang isa pang piraso ng selyadong sachet ng hinihinalang shabu may timbang na 0.9 gramo.

Dinala ang mga narekober na ebidensiya sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office-Forensic Unit para sa Laboratory Examination samantalang ang suspek ay isasailalim sa drug test examination. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …