Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vhong Navarro Deniece Cornejo Ferdinand Topacio

Deniece Cornejo ‘di uurong, tutuluyan si Vhong Navarro

TINIYAK ng abogado ni Deniece Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio na hindi uurong o magdadalawang-isip ang kanyang kliyente para ituloy ang kaso nito laban kay Vhong Navarro.

“Well based on my latest conversation with her over the phone, she’s determined to see this thing through,” paniniyak ng de kampanilyang abogado.

Nang kumustahin naman namin si Deniece ukol sa bagong development ng rape case nito kay Vhong, sinabi ni Atty Topacio na,  “She’s okay, she’s in good spirits.”  

Sa media conference ng Mamasapano na ipinrodyus ng kanyang film outfit na Borracho Films na isinagawa kahapon ng hapon, sinabi ng abogado na, “Sabi niya, she has placed her faith in the Lord and the Lord has delivered her and vindicated her.  

Ferdinand Topacio Mamasapano Borracho Films

Sinabi pa ni Atty. Topacio na ngayon lang ulit nabubuong muli ang buhay ni Deniece matapos nga ang kontrobersiyal na kaso nila ni Vhong na nagsimula pa noong 2014.

Wala naman nang balak mag-artista si Deniece ayon sa abogado.

“Parang ayaw na niya, eh. I think she’s happy where she is. Nakatapos siya ng mga kurso and she has placed her life in the service of the Lord,” anito.

Sa kabilang banda, masaya si Atty. Topacio na sa wakas ay maipalalabas na sa sinehan ang pelikulang Mamasapano. Naghahanap na sila ng playdate at malamang maipalabas ito bago ang Metro Manila Film Festival.

Ayaw naman daw niyang isali ito sa MMFF dahil malungkot ang tema ng pelikula bukod pa sa may pagka-bayolente ito.

Ang Mamasapano ay tungkol sa SAF 44 soldiers na na-massacre sa Mamasapano sa Maguindanao noong 2015. Pinagbibidahan ito ni Edu Manzano at idinirehe nina Lester Dimaranan at Law Fajardo. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …