Thursday , May 15 2025
Dragon Lady Amor Virata

Tanglawan Festival sa CSJDM binagyo

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

GALIT yata ang kalikasan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng City of San Jose del Monte, dahil dalawang bagyong magkasunod sina ‘Florita’ at ‘Henry.’

Buti na lang may Starmall at hindi nabasa ng ulan at tinangay ng hangin ang mga hakot na dumalo para manood sa kanilang mga events.

Hanggang September 8 ang pagdiriwang ng Tanglawan Festival sa CSJDM. Bagay na bagay ‘di ba? Dahil bagyo tanglawin na lang!

Meron pa silang food park sa Savana Park na nilangaw. Sino naman ang pupunta kung liliparin lang ng lakas ng hangin.

Maling petsa ng pagdiriwang, sayang ang gastos mula sa kaban ng bayan.

Hindi tuloy nakapunta sa festival ang mga manonood sa kanilang events, mas masarap pang matulog dahil sa lakas ng ulan at hangin dulot ng bagyo.

Mayor Robes, next year ilagay at gawin mo sa petsa ng tag-araw ang okasyon ng Tanglawan Festival para hindi sayang ang pondo.

NO CONTACT APPREHENSION PROGRAM

Matapos magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa “No Contact Apprehension Program” o NCAP, malaki ang nawala sa mga lokal na pamahalaan na apektado dahil malaking pondo ang nalilikom dito mula sa mga pasaway na driver.

Hindi titino ang ating bansa kung laging may pumipigil sa mga gawaing dapat ay ikatitino ng mga driver na matitigas ang ulo. Bakit naman sa ibang bansa kailangan sumunod? E ngayon, Korte Suprema pa ang nagdesisyon. Wala na bang asenso ang Filipinas? Tiyak tuwang-tuwa ang mga pasawa

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …