Friday , November 15 2024
Arrest Posas Handcuff

Sa Zambale s
SUSPEK SA PAMAMASLANG NG 82-ANYOS LOLA TIMBOG

NASUKOL ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Setyembre ang pangunahing suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa isang matandang babae sa bayan ng San Antonio, lalawigan ng Zambales.  

Sa ulat mula kay P/Col. Fitz Macariola, provincial director ng Zambales PPO, kinilala ang suspek na si John Henrick Balendres, 19 anyos, nadakip sa pinagtataguan sa lungsod ng Olongapo.

Pangunahing suspek si Balendres sa pagnanakaw at pagpatay sa biktimang si Teresita Sison White, 82 anyos, isang American (Dual Citizen), at residente sa Brgy. Sto. Niño, San Felipe, Zambales.

Napag-alaman sa ulat, nahuli ang suspek sa ikinasang manhunt operation ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, na pinangunahan ni P/Lt. Col. Gilbert Diaz, 2nd PFMC, PIDMB at San Felipe MPS, kasabay ng pagsisiyasat sa mga kuha sa CCTV na nagsimula sa karatig bayan ng San Antonio hanggang sa bayan ng suspek sa Naic at Tanza sa Cavite hanggang matunton sa Olongapo.

Narekober ang isang cellphone na pag-aari ng biktima mula sa suspek na kasalukuyang nakapiit sa San Felipe MPS habang inihahanda ang mga kasong ihahain sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …