Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Phoebe Walker

Phoebe Walker, tampok sa ibang klaseng horror movie na Live Scream

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY bagong horror movie si Phoebe Walker na pinamahalaan ni Direk Perci Intalan. Pinamagatang Live Scream, tampok din dito sina Elijah Canlas at Katrina Dovey.

Ipinahayag ng aktres na maraming kaabang-abang na eksena rito na swak sa mahihilig sa social media. Aniya,“Maraming twists and turns ang istorya at maraming makare-relate dahil po lahat tayo ngayon nakatutok sa internet/YouTube at may kani-kaniyang paboritong sinusubaybayan.

“Ang role ko sa movie, girlfriend po ako ni Elijah dito, we play the roles of Exo and Amanda, na parehas YouTuber/influencer couple. Ang karakter namin ni Elijah, among sa top earners ng streaming app, kaya makikita ang pressure at minsan desperation ng mga content creator to remain on top at maglabas ng orihinal na materyal – anoman ang maging kapalit.”

Wika ni Phoebe, “Kakaibang horror po ito, medyo may gore rin. Relevant to the new generation ngayon na adik sa social media at sa kung ano-anong pakulo na ginagawa ng content creators.”

Marami na rin nagawang horror genre ang aktres, kabilang dito ang Seklusyon na nanalo siya ng award, Kagat ng Dilim, Ukay-ukay, at serye sa Cignal/ TV5 na Tabi Po. Ito bang Live Scream ang pinakanakatatakot niyang pelikula?

Esplika ni Phoebe, “Hindi ko po kasi maihahambing sa mga nagawa kong horror noon. Ito kasi walang multo, o demonyo, totoong tao ang mga karakter at ang horror mula mismo sa ginagawa ng mga karakter sa isa’t isa rito sa istorya.”

Ano ang reaction niya nang nakita ang teaser ng Live Scream?

Tugon ng aktres, “Hindi ko pa po napapanood ang teaser, poster pa lang ang nakita ko. And I’m very confident in the movie already, dahil kita ko ang taste ni Direk Perci (Intalan) and his whole team, talagang siniguro naming in line lahat ng eksena at galaw para mabuo ang pelikulang ito.”

Bukod sa papuri kay Direk Perci, sinabi ni Phoebe na masaya siyang nakatrabaho si Elijah. “Kahit mas bata sa akin si Elijah, familiar ako sa projects at naging accomplishments niya. Grateful ako na nakatambal ko siya na sobrang generous sa eksena at kita rin ang puso sa ginagawa niyang trabaho.

“Bilang artista, apart from making sure you yourself, the director and producer are happy with your work, ang laking bonus niyon kung magaling din ang co-actors mo,” lahad ng aktres. “Dito sa Live Scream sobrang blessed ko with the cast, the director and crew,” dagdag na sambit pa ni Phoebe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …