Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Mister pinagsasaksak ng katagay, patay

TIGOK ang isang 57-anyos lalaki nang pagsasaksakin ng kainuman makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Navotas City Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Melvin Gariando, residente sa Oliveros dike, Brgy., Tangos North ng lungsod.

Nakapiit habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilalang si Rogelio Jimenez, 60, ng F. Cruz, Brgy., Tangos North ng lungsod.

Sa report ni P/SSgt. Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas police chief, Col. Dexter Ollaging, 7:45 pm nang maganap ang insidente sa Badeo 5, Oliveros Dike, Tangos North.

Lumabas sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa naturang lugar nang mauwi sa pagtatalo.

Sa kainitan ng pagtatalo, biglang naglabas ng patalim si Jimenez at inundayan ng saksak sa katawan si Gariando saka mabilis na tumakas habang isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

          Isang alyas Jonas, nakasaksi sa insidente ang nag-ulat sa mga duty tanod ng Brgy. San Roque, para humingi ng tulong sa mga tauhan ng Intelligence Section ng Navotas police na agad nagsagawa ng follow-up operation kaya mabilis na naaresto ang suspek. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …