Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Kargador dumiskarte sa pagtutulak ng droga tiklo

ISANG 20-anyos kargador, nakatalang high value target (HVT)  dahil ginawang sideline ng pagtutulak ng ilegal na droga sa lungsod ng Pasig, nitong Sabado ng hapon, 3 Setyembre.

Kinilala ni P/Col. Celerino Sacro, Jr., hepe ng Pasig police, ang suspek na si Jevan Quilong-Quilong, alyas Banong, kargador, nasa drug watchlist ng pulisya at nakatira sa, Brgy. Palatiw, sa lungsod.

Dakong 2:00 pm kamakalawa nang makatransaksiyon at masakote ni P/Lt. Kenny Khamar Khayad ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek sa Baltazar St., Brgy. Pinagbuhatan, sa nabanggit na lungsod.

Nasamsam mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P68,000, at shabu paraphernalia.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 11 Article ll ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …