Friday , November 15 2024
Harry Roque Robin Padilla Same Sex

Same sex marriage ni Robin kinatigan ni Roque

HATAWAN
ni Ed de Leon

PINABORAN ni dating presidential spokesman at natalong senador na si Harry Roque si Senador Robin Padilla na naghain ng panukalang batas na kilalanin na ang same-sex marriage. Sinabi pa ni Roque na walang probisyon sa saligang batas na nagbabawal dito. Ang nagsabi lang daw na ang kasal ay “sa pagitan ng lalaki at  babae” ay ang umiiral na Family Code.

Ibig niyang sabihin, isang simpleng batas lamang ang kailangang makalusot sa Kongreso para makapagpakasal na ang lalaki sa lalaki, babae sa babae, at kung ano pa. Kailan naman kaya makagagawa

ng batas na ang tao ay maaari nang pakasal sa baboy, sa aso o sa manok?

Itinatakda ng panukalang batas na iyon na ang tumanggi raw na magkasal sa same sex ay mapaparusahan sa ilalim ng batas. Paano ang mga relihiyon na hindi kumikilala sa same sex marriage? Hindi ba’t nasa saligang batas din na kailangang igalang ang relihiyon at walang batas na makapipigil niyon?

Hindi dapat na ipilit iyan, halimbawa sa simbahang Katoliko, at sa pananampalatayang Muslim din dahil bawal iyan sa kanila.

Nakatatakot iyan kung ipipilit, dahil hindi na natin matitiyak kung ano pa ang magiging kasunod niyan. Marami na kaming nakitang mga taga-showbusiness na nagpakasal pa sa abroad, tapos naghiwalay din. May gagawin din ba silang batas na papayagang mag-divorce ang mga lalaki sa lalaking nagpakasal tapos hindi na nagkasundo? Papayagan din ba ang mga tomboy na mag-divorce? Gumawa muna sila ng batas na kumikilalang legal ang mga transgender. Pero tandaan ninyo, iyang mga transgender ay nakapagpapalit lamang ng

kanilang sexual organs, pero nananatili sila kung ano sila sa internal organs nila. Hindi puwedeng makabuntis ang transman. Hindi rin puwedeng mabuntis at manganak ang transwoman.

About Ed de Leon

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …