Sunday , November 17 2024
shabu drug arrest

P68-K shabu nasamsam ng mga parak sa 2 suspek

TIMBOG sa shabu ang isang 45-anyos na babae at 22-anyos na lalaki makaraang kumagat sa buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Dexter B. Ollaging, chief of police ng Navotas City ang mga suspek na sina Lea Rodriguez, 45 anyos, at si Roniel Olivar, 22 anyos, kapwa residente sa Barangay San Jose, ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 10:00 pm kamalawa nang maaresto ang mga suspek sa Bagong Silang St., Brgy. San Jose ng nasabing lungsod.

Nasamsam sa mga suspek ang anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu, limang piraso ng P100, ginamit bilang buy bust money, tatlong piraso ng P100 na nagkakahalaga ng P300, narekober na pera at isang piraso ng itim na coin purse.

Ang mga nasamsam na hinihinalang shabu ay tinatayang may timbang na 10 gramo, tinatayang may halagang P68,000 base sa DDB value.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, R.A 9165. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …