Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

Sa Malabon  
3 TULAK HOYO SA BUY BUST 

HOYO ang kinalalagyan ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy  bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang mga naarestong suspek na sina Rolando Cruz, alyas Olan, 46 anyos, bike assembler; Norlito Lopez, alyas Ohle, 56 anyos, kapwa residente sa Brgy., Ibaba; at Jerry Camposano alyas Kuya, 46 anyos, residente sa Brgy., 8, Caloocan City.

Ayon kay Col. Barot, dakong 4:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Herrera Alley, Brgy. Ibaba, ng nasabing lungsod, kung saan nakipagtransaksiyon ang isang undercover police kay Camposano ng P500 halaga ng droga.

Kaagad dinamba ng mga operatiba si Camposano at Cruz, na kanyang kasabwat, matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.

Ayon kay P/MSgt. Randy Billedo, kasamang inaresto ng mga operatiba si Lopez matapos makuhaan ng hinihinalang shabu na umaabot sa 7.8 gramo, tinatayang may standard drug price P53,040 ang nakuha sa mga suspek, kasama ang buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …