Thursday , May 15 2025
Bulacan Police PNP

 ‘One-time, big-time’ police ops ikinasa
5 MWP, 93 LAW OFFENDERS NADAGIT SA BULACAN 

PINAGDADAMPOT ang limang most wanted persons at 93 indibidwal na pawang may paglabag sa batas, sa isang araw na One-Time Big-Time (OTBT) police operation ng Bulacan PPO na inilunsad nitong hatinggabi ng Martes, 30 Agosto.

Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagresulta ang operasyon sa pagsisilbi ng 117 warrants of arrest at pagpapatupad ng 779 warrants of arrest sa mga walang barangay certificate of non-residency.

Sa agresibong manhunt operations ng tracker team ng 1st PMFC bilang lead unit kasama ang RACU PRO4A, Hagonoy MPS at 301st MC RMFB3, naaresto ang Top 2 Regional Level MWP ng PRO4A na kinilalang si Reymond Santos para sa kasong Robbery Extortion.

Gayondin, nasukol ng magkakatuwang na mga tauhan ng 2nd PMFC, PIT Bulacan RIU 3 (intel pocket), ISD-IG, 24th SAC, 2 SAB PNP SAF, S7 Bulacan PPO, San Miguel MPS, DRT MPS, at 301st RMFB3, ang suspek na nakatalang Top 4 Regional Level MWP sa PRO3 na kinilalang si Henaro Victoria sa Brgy. Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, sa kasong Murder.

Samantala, ang dinakip ng mga tauhan ng 1st  PMFC at Pulilan MPS na tatlong MWP, kinilalang sina Robertson Babida, Top 3 Municipal Level ng Guiguinto, wanted sa kasong Rape; Edison Zamora, Top 4 City Level ng Malolos, wanted para sa paglabag sa Section 1401 (E) ng Customs Modernization And Tariff Act (CMTA) (RA 10863); at Jimmy Mitra, Top 10 Municipal Level sa kasong Qualified Rape.

Gayondin, sa pagtutulungan at pagsisikap ng lahat ng police stations, mobile force companies at iba pang support units, inaresto ang 93 indibidwal na wanted sa iba’t ibang paglabag sa batas sa bisa ng warrant of arrest.

Sa kalahatan, ang natatanging tagumpay ng Bulacan police ay nakalinya sa programang itinutulak ni Chief PNP P/Brig. Gen. Rodolfo Azurin upang mapabilis ang pagresolba sa mga krimen sa bansa. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …