Sunday , December 22 2024

May mga ‘tadong taxi driver din pala sa Baguio City

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

GENERALLY mababait, matitino, mapagkakatiwalaan, at hindi namimili ang mga taxi driver sa Baguio City. Maraming beses nang napatunayan ito, hindi lang ng inyong lingkod kung hindi pati ng mga nagbabakasyon sa kilalang “Summer Capital” ng bansa.

Hindi rin uso sa mga taxi driver sa lungsod ang pangongontrata at sa halip, talagang ibinababa ang metro…at higit sa lahat, kahit piso pa ang sukli mo ito ay kanilang ibinibigay.

Dahil sa mga ipinapakitang pagsunod sa batas ng mga driver, ikaw na pasahero ang mahihiya at maeengganyong magbigay ng tip sa kanila o nahihiyang kunin ang sukli mo. Halimbawa ang sukli mo ay P20 o P10 at sa kabaitan ng driver mahihiya kang kunin ito at sa halip ay baka iyo pang dadagdagan.

Kompara sa mga driver ng taxi sa Metro Manila. Naku po! Taliwas ang lahat. Kung mayroon man matino, iilan lang ito – baka isa sa isangdaan drivers. Ganoon ang bilang ng matitinong taxi driver sa Metro Manila.

Pero ano pa man, kahit pala masasabing matino sa pangkalahatan ang taxi drivers sa Baguio City, mayroon at mayroon pa rin palang mga sumisira sa magandang imahen ng mga taxi driver sa lungsod. Iilan lang siguro pero nakasisira pa rin sa kabuuang imahen ng matitinong driver ng Baguio.

Napatunayan natin ito kamakailan, hindi naman tayo nakaranas ng kabastusan o kabalatubaan ng driver at sa halip, nakita natin na mayroon rin palang mga lokong driver sa lungsod.

Hindi naman sila nangongontrata pero bawal ang estilo ng kanilang paniningil sa nais na sumakay sa kanila.

Kamakailan ay nasa Baguio tayo, isa sa paboritong activity ni Misis sa Baguio ay pamimili ng ukay sa night market na matatagpuan sa Harrison Road – malapit lang ito sa Burnham Park tapat ng Melvin Jones Grandstand at opposite ng Session Road, ang kalsadang tatak ng Baguio City.

Dakong 10:00 pm, matapos mamili sa night market, habang nag-aabang kami ng taxi sa kanto ng Shanum St., at Otek St., hindi kalayuan sa Harrison Road, napansin naming may mga bakanteng taxi na nakahimpil at nakapila sa kanto.

Nilapitan namin para sumakay…at nang buksan nsmin ang pintuan, nagulat na lang ako nang sabihin ng driver na ang singilan nila matapos ko sabihin ang destinasyon namin ay P50.00 per head. E apat kami kaya ang ibig sabihin nito ay P200 pero ang regular fare naman hanggang sa destinasyon namin ay wala pang P100.

Ang estilo ay ilegal, estilong kolorum na o pangongontrata na rin …kung baga, ang estilo din nila ay pananamantala sa mga bisita ng lungsod. Hindi lang dalawa ang nakapila na taxi kung hindi lima sila. Sa tingin ko ay hindi naman sila kolorum at sa halip legit na taxi pero ang estilo nila ay bulok.

Hindi ko na kailangan pang tanungin ang LTO o LTFRB kung legal ba ang estilong ito ng mga driver dahil siyento por siyento akong ilegal ang gawain nila.

So, ano ang dapat gawin sa mga gunggong na mga driver? Nararapat lang na bigyan sila ng leksiyon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong maging ng Baguio City Police District.

Mayor Magalong, yes generally, matitino ang mga taxi driver sa lungsod pero, dapat ninyo pong wakasan ang estilo ng mga gunggong– sinisira nila ang imahen ng matitinong driver at maging ang imahen ng lungsod.

Pakituldukan lang po ang estilong ito Mayor Magalong. Maraming salamat po. Iligtas natin ang matitinong driver sa mga salot na driver.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …