Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lianne Valentin

Lianne patok na patok ang career

RATED R
ni Rommel Gonzales

UMARIBA nang husto ang career ni Lianne Valentin dahil sa  Apoy Sa Langit na gumaganap siya bilang kabit na si Stella.

Patuloy na namamayagpag sa ratings ang nabanggit na Kapuso drama series na sa ngayon ay Number 1 Afternoon Drama Series sa taong ito.

Ito rin ang most viewed drama program sa Youtube at phenomenal ang performance ng TV ratings ng serye.

At si Lianne, sa papel niya bilang kabit ni Cesar, as portrayed by Zoren Legaspi, marami ang nanggagalaiti sa galit sa kanya pero bilang aktres ay marami naman ang napapahanga ni Lianne sa husay niya bilang Stella.

“Wow, thank you po,” ang umpisang bulalas ni Lianne nang marinig ang papuri sa kanya bilang artista.

“Pero noong pumasok po ako sa ‘Apoy Sa Langit’ to be honest hindi po talaga madali ‘yung journey ko and this is my first role na masasabi kong very deep ‘yung character and marami siyang requirements kumbaga.

“So actually nawala sa isip ko ‘yung sana mapuri ako ng mga tao, ‘yung mga ganyan, I just want to do my job well and ma-execute ko nang tama ‘yung character ni Stella.

“So hindi po talaga madali ‘yung process of course during taping, during script-reading pa lang, talagang sabi ko rin talaga sa sarili ko na sabi ko, once na tumapak ako sa lock in taping I really want to give my two hundred percent best para sa character na ‘to.

“As in I want to commit and give everything so iyon I’m very happy and I’m very grateful na ‘yung fruit naman niyong paghihirap ko na ‘yun is may bunga and very happy ako sa response rin ng mga viewer ng ‘Apoy Sa Langit.’

“May mga naiinis, may mga natatawa, may mga natutuwa, mayroon ding mga naawa so I really want din, it’s my goal din as Stella na kumbaga makita nila ‘yung iba’t ibang shiftings ni Stella and iba’t ibang sides niya.

“And ‘yun I’m very happy na hindi lang inis ‘yung naramdaman nila pero nakaramdam din sila ng kahit paanong awa and pagmamahal din kay Stella so, sobrang saya ko po and hindi ko talaga ini-expect kaya ngayon sobrang happy ko talaga.”

Na oo nga at kontrabida at kabit si Stella pero tao pa rin siya na nagmamahal at nasasaktan.

“Yes! Hindi naman siya ‘yung tipong klase ng babae na okay, ito lang ‘yung makikita mo sa kanya, pagmamahal lang, as in super duper pagmamahal lang para kay Cesar. Hindi.

“Makikita mo ‘yung iba’t ibang sides niya, aspects niya bilang isang babae, bilang isang lover, iyon ‘yung makikita sa kanya.”

Magtatapos na sa ere ang Apoy Sa Langit sa Sabado, September 3.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …