ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
PATULOY ang magandang takbo ng career ni Lovely Rivero.
Bagong blessings ang dumating kay Ms. Lovely, ito’y via the international film na The Visitor. Plus, ang magandang aktres ay bahagi ng Philippine version ng hit Koreanovela na Start Up, na unang tambalan nina Alden Richards at Bea Alonzo.
Inusisa namin ang ang role niya sa The Visitor.
Kuwento ni Ms. Lovely, “Ako ang mother ng pinakabida sa pelikula, ang American-Filipino actor/director na si Anthony Diaz V. Ang movie ay tungkol sa Catholic-Muslim war sa Mindanao at kung paano siya nakaapekto sa buhay ng pamilyang ito at ng mga tao at kung paano, after many years, ay nagbalik ang character ni Anthony at hinarap niya ito.
“Napakaganda at timely ang mensahe ng pelikula. May twist talaga na dapat nilang mapanood para malaman nila kung ano iyon. Its action packed na may drama rin.”
Aniya, “Yes, for International release po siya and I think eventually, mapapanood din ito sa iba’t ibang media platforms kagaya ng nauna nilang pelikula, ‘yung Way of the Cross. Si Anthony bukod sa lead actor dito, is also the main director-together with his dad, silang dalawa ang nag-direct at nag-produce rin ng movie, under their very own Kaizen Studios International na may offices sa Las Vegas, Nevada, at Japan.
“Ang iba pang casts na Filipino actors ay sina Jake Cuenca, Joel Torre, Yuseff Estevez, Claire Ruiz, Jong Cuenco, Franco Daza, Mara Lopez, Anna Marin and yours truly.”
Ayon sa aktres, sobra siyang thankful sa GMA-7 na makasali sa unang tambalan nina Alden at Bea.
“Isa pa sa blessings na natanggap ko ay ang mapasali ako sa isa sa pinakamalaking proyekto ng GMA Network na Start Up. Siyempre, unang tambalan din ito nina Alden at Bea kaya excited ang lahat. Kasama rin dito sina Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Gina Alajar, Jackie Lou Blanco, Royce Cabrera, Boy2 Quizon, Kim Domingo, Ayen Munji, Gabby Eigenmann, Niño Muhlach, at iba pa, sa direksiyon nina Jerry Sineneng at Domm Zapata.
“Masaya ako sa role ko rito bilang mommy ni Jeric at asawa ni Niño. Nakatutuwa ang dynamics namin as a family. Kaya excited na akong mapanood ito ng mga tao. At sobra akong nagpapasalamat sa GMA Network sa tiwala nila na isama ako rito at sana ay marami pang projects ang magawa ko sa GMA sa hinaharap,” nakangiting lahad ni Ms. Lovely.