Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aica Veloso

Aica Veloso, happy sa takbo ng showbiz career

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYA ang newbie sexy actress na si Aica Veloso sa bago niyang movie. Afrer mapanood sa seryeng High On Sex sa Vivamax bilang isang babaeng bitchy at bully, susunod namang magpapatikim ng alindog si Aica sa pelikulang Bata Pa Si Sabel.

Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Brillante Mendoza. Tampok sa pelikula sina Micaella Raz, Angela Morena, Benz Sangalang, Rash Flores, Gardo Versoza, Katya Santos, JC Tan, at Rey Abellana.

Pahayag ni Aica, “I’m really amazed right now dahil nandito na ako sa pinapangarap ko lang dati, especially sa manager ko (Jojo Veloso), na todo talaga ang support sa anak niya.

“Kahit ano ang dumating na projects sa akin, tatanggapin ko po lalo na kung kay Boss Vic galing, lavarn!” nakatawang saad ni Aica.

Gaano siya ka-daring sa pelikulang ito?

“Mashoshookt panigurado ang mga manonood nito, si Rash ang ka-love scene ko rito sa Bata Pa Si Sabel.

“Asawa po ako sa movie ni Marvin (Rash) at buntis po ‘yung role ko rito. Marami kaming daring scenes ni Rash dito, kahit buntis ang role ko and nakaka-shock ‘yon for me, hahaha!”

Pahabol pa niya, “Unbelievable na nakapag-sex pa rin kami even though pregnant ‘yung role ko here, at sa mapapanood ng viewers, talagang ginawa naming mas hot pa rin ang eksena kahit buntis ako roon.”

Nabanggit ni Aica, cool katrabaho ang mga veteran actors like Katya, Gardo, and Rey.

Sambit niya, “They’re so really nice and cool, at the same time ay super close nila sa mga cast… nagbibigay din sila ng advise sa amin, as a veteran actor and actress.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …