MA at PA
ni Rommel Placente
SOBRANG proud si Kim Chiu sa kanyang boyfriend na si Xian Lim dahil unti-unti ay naaabot na nito ang mga pangarap niya.
Nagkaroon kasi ang aktres ng Q&A sa kanyang Instagram followers, at isa sa mga naitanong sa kanya ay kung gaano nga siya ka-proud kay Xian.
Tanong ng isang netizen, “How proud of you of your now-director boyfriend @xianlimm?”
Sagot ni Kim, “Super super beyond mega uber proud of him!”
Si Xian kasi ay hindi lang basta aktor at singer, kundi isa na ring direktor sa pelikula at telebisyon.
Siya ang nagdirehe ng Vivamax movie na Hello, Universe! at sa isang episode ng Wish Ko Lang ng GMA 7.
“That’s his passion and so happy that he is living one of his dreams! Congrats direk xian! @xianlimm yes…. Lodi!!!!!!!” sabi pa ni Kim.