I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGKALAPIT nang husto ang Sparkle artists na sina Kokoy de Santos at Angel Guardian habang ginagawa niya sa South Korea ang Running Man Philippines na mapapanood sa Kapuso Network simula sa September 3.
Pero walang ligawang nangyari sa dalawa habang nandoon.
“Lagi kaming naliligaw sa Korea. Pero sa huli, sa kanya ako napupunta! Ha! Ha! Ha!” biro ni Kokoy sa presscon ng reality game show.
Nililigawan ba ni Kokoy si Angel?
“Magkaibigan lang po kami,” tradisyonal na sagt ni Kokoy pero kay Angel, “Special friend ko si Kokoy!”
Kasama nina Kokoy at Angel na co-runners sina Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Glaiza de Castro, Buboy Villar, at Mikael Daez na host din ng show.