Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
vilma santos nora aunor

Vilma pinapurihan si Nora

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam pa rin ng Pep.phkay Vilma Santos, sinabi niyang proud siya sa pagkakahirang sa dati niyang kalaban sa popularity na si Nora Aunor bilang National Artist For Film.

Sabi ni Vilma, “Alam mo, kapag napunta sa iyo, which means para sa iyo, which makes you deserve it.

‘Kapag ibinigay kay mare ‘yung National Artist, she deserves it, lahat ng nabigyan para sa kanila ‘yun.

“Naniniwala ako sa kasabihan na ‘pag hindi para sa ‘yo, hindi para sa ‘yo. Pero ‘pag para sa ‘yo, para sa ‘yo ‘yun kahit ano ang mangyari.

“Mayroong oras ang bawat isa, ganoon lang ‘yun.”

Kung maraming Noranians ang nagbubunyi sa pagkakahirang kay Nora bilang National Artist, maraming Vilmanians ang naghihintay at umaasa na sa susunod, ay ang kanilang idolo naman ang makatatanggap ng National Artist award.

Tulad ni Nora, marami na rin kasing pinagbidahang mga dekalidad na pelikula si Vilma at naparangalan din ng hindi na mabilang na acting awards dahil sa husay nito sa pagganap. Gaya ni Nora, malaki rin ang kontribusyon ng mommy ni Luis Manzano sa showbiz industry.

Sabi naman ni Vilma tungkol dito, “Maraming salamat, pero alam mo, mahirap din ‘yung… Siyempre sino ba ang ‘di mag-aasam ng isa sa the most prestigious awards? Lahat siyempre.

“Kaya lang, na-psych ko naman ang sarili ko na there’s always time for everything. ‘Yun kasi ang motto ko, eh.

“Kaya minsan, ‘pag mayroon akong mga pelikula na hindi natutuloy, ‘Hindi sa akin meant iyan, baka para sa iba iyan.’ Iyan ang motto ko.

“Kaya open ako sa ganyan—‘pag ‘di mo nakuha, hindi para sa iyo,” katwiran pa ng Star For All Seasons.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …