MA at PA
ni Rommel Placente
SA eksklusibong panayam ng Pep.Troika kay Lolit Solis, sinabi niyang hindi niya na talaga kayang puntahan ang online show nila ni Mr. Pooh dahil nagda-dialysis siya sa isang ospital.
Sabi niya, “Kasi ito, ‘pag nagpa-dialysis ka, parang nanghihina ka. Tapos, kinabukasan mo mapi-feel ‘yung talagang nanghihina ka. Talagang hindi ka na makaka… parang ayaw mong tumayo chu-chu. So, twice a week akong nagpapa-dialysis. Plus additional two days ‘yung parang rest ka.
“Three days lang ang natitira sa week mo, ‘di ba? Roon ko lang nagagawa ‘yung meetings, at saka bumabawi ako sa Instagram.
“Puwede naman akong lumakad, huwag lang ‘yung mabilis. Napapagod agad ako kaya dapat, ‘yung talagang pupuntahan namin, pag-ano mo, chuk!
“Eh, ‘di ba, umaakyat ako sa itaas ng bahay ko, dun yung kuwarto ko? Kaya ko namang lumakad sa hagdanan. Yun na nga lang ang exercise ko every day, di ba?
“Pero ‘pag nag-wheelchair ako, ayaw ko nang lumabas, ‘no?! Parang hindi ko pinangarap, ‘no?!”
Ayon pa kay Manay Lolit, kung mananatili siya sa ospital, baka mas marami pang tulong pinansiyal o donasyon siyang matanggap mula sa mga taong nagmamahal sa kanya, at sa mga hindi niya kilala.
“Parang… ha?! Baka naman masyadong lumaki ang donasyon sa akin. Naloloka talaga ako! Either mukha akong poor, iniisip talaga nila, poor ako.
“Or talagang gusto nila akong lumigaya kaya kahit ano lang, bibigyan nila ako ng datung.
“Can you imagine, isang taga-U.S. na fan pa siya ni Bea Alonzo, pinadalhan talaga ako ng $35.
“‘Di ba, ‘yung talagang… Ha! Ha! Ha! Ha! Talagang ano ba ‘to, kahit taong hindi ko kilala, ino-offer-an ako ng datung.
“Tapos, dumarating… donasyon mula sa isang kilalang-kilalang mahilig sa babae. Tapos ‘yung isa, galing sa isang ano, ‘di ba?
“Hindi ko akalaing ganoon kalaki ang ibibigay sa akin. Parang… naisip ko nga noong isang araw. ‘Ano ba ‘to?! More than a month na akong maysakit, parang wala pa akong nagagasta!’
“Oo! Wala pang lumalabas sa sarili kong pera. ‘Kaloka talaga! Tapos, mayroon pa akong Team Dialysis.
“Ako na ang willing na papuntahin sila sa Korea, biglang sinagot ng isa kong alaga! Kaya binigyan ko na lang sila ng baon, ‘di ba?!”
Naonood ng online mass si Manay Lolit, na si Fr. Tito Caluag ang nagmimisa. At ang dalangin niya kung mamatay na siya ay hindi siya mahihirapan.
“Ang idinadasal ko lagi, lalo na kay St. Theresa… ‘yun nga, ‘yung painless death.
“Kung sakaling talagang darating ang oras ko. ‘Yun lang talaga. Either hindi na ako magising, or basta wala lang akong pain na maramdaman.
“Kasi, baka ‘pag masyadong painful ang maramdaman ko, magkaroon pa ako ng tampo kay God, ‘di ba?
“Ayokong magkaroon ng ganoon. Kasi, God was so good to me. Kaya ang gusto, ‘yun lang. Painless ano lang talaga,” aniya pa.
Dalangin namin ang agarang paggaling ni Manay Lolit.