Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessy Mendiola Luis Manzano Vilma Santos

Vilma naiyak nang malamang magkaka-apo kina Luis at Jessy

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview kay Vilma Santos ng Pep.ph, ikinuwento niya kung gaano siya kasaya nang nalaman niyang buntis na ang manugang niyang si Jessy Mendiola at magkaka-apo na siya sa panganay niyang si Luis Manzano.

Halos maiyak nga siya sa tuwa nang kompirmahin sa kanya nina Luis at Jessy ang good news.

Kuwento ni Vilma: “May noong una naming nalaman, Mother’s Day kundi ako nagkakamali.

“Hindi naman dahan-dahan. Sinabi na lang nila, Mother’s Day na, kasi they were greeting me for Mother’s Day.

“Sabi nila, ‘Happy Mother’s Day! Happy Mother’s Day!’ May get-together dito ang pamilya.

“Sabi ni Lucky sa akin, ‘Mom, ‘di mo ba siya babatiin?’ Sabi ko, ‘Happy Mother’s Day!’

“Sabi niya, ‘Batiin mo na. Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi niya, ‘Batiin mo na.’ Sabi ko, ‘Anak naman!’ Sabi niya, ‘Hindi, batin mo na ‘yung mother.’

“‘Yun talagang maiyak-iyak ako, ‘Totoo ba? Totoo ba? Oh my god!’ Halos maiyak ako na hindi ako makapaniwala.

“Diyos ko, sa tagal-tagal kong hinintay ‘yung talagang apo, ngayon mayroon na. I’m looking forward kay Peanut.”

“Peanut” ang pet name na ibinigay nina Luis at Jessy sa unang supling nila.

Ipinaliwanag ng Star For All Season kung kung bakit naging Peanut ang palayaw na ibinigay sa magiging apo niya.

“Napag-usapan lang kasi namin noong nag-positive siya, ‘Peanut, Peanut,’ ayan hanggang naging Peanut na. Peanut na ang tawag namin, pero nanggaling din ‘yun kay Lucky, nanggaling ‘yun sa kanila.

“Noong malaman lang namin na preggy na noon si Jessy, basta paghalik ni Lucky sa tiyan ni Jess, sabi niya, ‘Hello, Peanut.’ Sabi ko, ‘Peanut ba iyan?’

“Kasi parang maliit, ‘yung sac, parang maliit na peanut when they saw it. Parang may maliit nga raw na bilog na parang peanut, ‘O, si Peanut,’ hanggang ngayon si Peanut na. May gumagalaw na, Peanut pa rin,” paliwanag pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …