Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Bianca Umali

Relasyong Ruru-Bianca apat na taon na

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Ruru Madrid sa Kapuso Mo Jesica Soho, natanong ang aktor kung ano nga ba ang relasyon nila ni Bianca Umali? Matagal na kasing nali-link ang dalawa pero wala pa ring  pag-amin sa kanila kung may something na ba sa kanila.

Napatawa  si Ruru sa tanong ni Jesica at katulad ng lagi niyang sagot tuwing tinatanong tungkol kay Bianca, “Mahirap lagyan ng label.”

Sundot na tanong ni Jesica,kung walang label ang relasyon nila, bakit umiyak ang aktor nang sorpresahin siya ni Bianca sa South Korea kamakailan?

Noong August 17, 2022, ipinost ni Bianca sa Instagram account niya ang video nang puntahan niya ang lugar kung nasaan si Ruru kasama ang ilang staff ng seryeng Running Man PH.

Sa video, makikita na nagulat at naiyak si Ruru nang makita ang aktres

Sagot ni Ruru, “Kasi po, hindi ko ine-expect na pupunta po talaga siya, dahil noong time na ‘yun, last day ng taping namin sa ‘Running Man.’”

Limampung (50) araw nanatili sa South Korea si Ruru kasama ang buong cast ng Running Man PH, ang upcoming Kapuso adaptation ng sikat na variety show ng SBS Network sa South Korea.

Sa pangalawang pagkakataon, muling tinanong ni Jesica si Ruru kung ano nga ba ang real score sa kanila ni Bianca.

Rito na umamin ang binata. Pero, ang sabi niya, ay nagdi-date lang sila ng aktres.

Dahil kayo po ang nagtanong, Ma’am Jess, this is the first time na sasagutin ko po ito.

Ah… we’re dating po for four years.”

So base sa sagot ni Ruru na apat na taon na silang nagdi-date ni Bianca, ibig sabihin ay talagang sila na, ‘di ba? Indirect nga lang ang ginawa niyang pagsagot kay Jesica.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …