Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Billy Crawford Danse avec les stars Dancing With The Stars

Billy sikat pa rin sa France, gagawin ang Dancing With The Stars

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAKIPAGTSIKAHAN muna si Billy Crawford sa mga kasamahan natin sa panulat bago siya bumiyahe papuntang France sa Huwebes dahil may gagawin siyang show  doon. 

Magiging parte siya ng isang show na kung hindi kami nagkakamali ay ang Dancing With The Stars.

Actually nanggaling na si Billy doon para isara ang kung ano mang deal na may kinalaman sa upcoming show. Hindi naman siya permanenteng maninirahan muli sa France kundi mga three months siya mananatili roon at komo matagal din ay kasama niya ang pamilya niya. 

Ayaw niyang mapahiwalay ng matagal sa pamilya kaya malayo siyang gumawa ng mga teleserye na may lock-in. Hindi niya kasi kakayanin mapalayo sa pamilya nang matagal. 

Natuwa naman si Billy sa muling pagbabalik sa GMA dahil dito siya nagsimula. Apat na taong gulang pa lang siya noon. Ala-alaga namin si Billy noong nasa That’s Entertainment pa siya kasama sina Manilyn Reynes at Janno Gibbs. Billy Joe pa siya noon.  Nagbabalik alaala sa kanya ang GMA days na isang batang paslit sa That’s Entertainment.

Noong mawala sa Pilipinas ang pamilya ni Billy ay nanirahan sila sa Amerika kasama ang amang Amerikano. Dinalaw pa namin sila sa New York noong doon pa sila naninirahan. Nag-try ng luck si Billy sa USA pero sa Europe siya sumikat at namayagpag. Kaya balik-Europe siya at kilala pa rin siya roon. 

For some personal reason ay iniwan niya ang France at nagbalik dito sa Pilipinas. Dito naman siya nagtagumpay lalo na sa pagiging host. Kaya ito ang naging forte ng career niya sa Pilipinas bukod sa singing career.

Kaya ngayon ay mapapanood natin siyang host ng The Wall Philippines sa GMA. Wish niyang maglaro ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa The Wall Philippines. Pero alam ko tapos na ang taping at eere na lang. Hindi ko lang alam kung sa pagbabalik niya ay magte-taping pa. Ang alam ko may ibang show pang gagawin siya sa GMA.

Ang galing ni Billy naiikot na niya ang iba’t ibang network. 

Siya nga pala aalis lang ng parents ni Billy dito sa Pilipinas after over a month vacation. Magbabalik Texas na sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …