Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bida Star Versus Karina Bautista Anji Salvacion Benedix Ramos

Bida Star ng ABS-CBN may bagong pakulo 

MAS pina-level up ang competition sa pagbabalik ng online talent search ng ABS-CBN na Bida Star sa Bida Star Versus na makakasama hosts sina Karina Bautista at Anji Salvacion pati na ang dating PBB housemate na si Benedix Ramos sa  Setyembre 5.

Asahan ang mas matitinding hamon at pakulo na dapat abangan ng manonood sa  Bida Star Versus na maglalaban-laban ang mga kalalakihan sa mga kababaihan.

“‘Bida Star Versus’ allows anyone to be part of the contest kahit hindi ka part ng kahit anong talent agency or wala kang formal training. They will hone your talents. ‘Bida Star Versus’ will help you reach your artista dreams,” sabi ni Benedix.

Ayon naman kay Karina, malayo na ang narating ng Bida Star simula sa unang season nito at napapanood na rin ito sa Kumu, Facebook, at Tiktok. Ibinahagi rin niya ang dapat abangang mga pakulo ngayong edition tulad ng Live Callbacks na ang unang batch ng auditionees ay magpe-perform live sa Kumu at may tsansang makakuha ng spot sa Top 40, at Bida challenges, themed challenges ito na ia-upload ito ng contestants sa sari-sarili nilang Tiktok accounts at may katumbas na vote points.

 “If you don’t start now, when? Right now, has never happened before, and now will never come again. Just believe in yourself and take that first step. Kasi marami ang nangarap pero takot sila magtake ng step. This is a sign to take that step,” pagbabahagi naman ni Anji.

Gagabayan naman ang mapipiling contestants ng mga huradong sina Star Magic Workshops Head at Acting Mentor na si Rahyan Carlos, unit head ng Pinoy Big Brother na si Marcus Vinuya, at isang weekly celebrity guest judge mula Star Magic. Bongga naman ang mauuwing premyong ng Ultimate Bida Star sa edition na ito, kasama rito ang ABS-CBN management contract, Star Magic Workshop Scholarship, guesting sa iba’t ibang digital shows ng ABS-CBN, tsansa na mapabilang sa isang proyekto ng PIE Channel, at cash prize na P50,000.

Sa mga nakaraang apat na edition ay nakapagbigay daan ang Bida Star para tuparin ang pangarap ng mga Filipinong may natatanging talento sa pag-arte katulad nina Dustine Mayores na dating PBB Kumunity season 10 teen housemate at Ruth Paga na isang ganap na host sa PIE channel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …