HATAWAN
ni Ed de Leon
EWAN kung sinadya o ano, pero nawala na sa social media account ni Nadine Lustre ang lahat ng posts na kasama niya ang dating live-in partner na si James Reid. Matagal din naman silang nagsama at lahat nga ng mga post simula 2016 hanggang 2020 ay nawala nang lahat. Iyan din ang panahon ng relasyon nila ni James.
Siguro nga para kasi sa kanya ay tapos na ang bahaging iyon ng kanyang buhay. May bago na siyang boyfriend ngayon, at si James naman bagama’t wala pang inaaming syota ay madalas na may ka-date na iba’t iba.
Siguro kapwa nila na-realize na ang kanilang relasyon ay nakalipas na. Ganoon lang naman iyon at simula na naman ng panibagong panahon ng kanilang buhay.