Wednesday , December 25 2024
ULINIG ni Randy V. Datu
ULINIG ni Randy V. Datu

Mga manininda sa palengke ng Olongapo, unti-unti nang nawawalan ng kabuhayan

ULINIG
ni Randy V. Datu

HINDI napigilang maglabas ng sama ng loob ang halos 70% ng mga vendor and stall owner sa Olongapo City Public Market at nagsagawa ng tatlong kilos-protesta para maiparating sa pamunuan ng nasabing lungsod ang umano’y hindi makatao at patas na pagpapasara ng kanilang mga puwesto sa pamamagitan ng paglalagay ng “chain link,”  isang uri ng alambre na ginagamit sa bagbabakod, para lamang hindi sila makapagtinda at mawalan ng hanapbuhay.

NaULINIGAN din natin mula sa mga kasapi ng vendors’ association na naiparating na rin nila ang kanilang problema kay Pangulong Marcos sa Malacañan para sana ay mabigyan na ng solusyon ang sigalot.

Kamakailan ay nagbigay ng pahayag si Ginoong Budz Ecaldre, pangulo ng Public Market and Stall Owners Association Inc., na ilan sa kanilang mga miyembro ay naipasara na ng pamahalaang lungsod dahil sa isyu nang hindi pagbabayad ng permit gayong may “status quo order” ang korte habang dinidinig ang kaso. Maglilimang (5) taon na rin umano ang nakalilipas at wala pa rin desisyong inilalabas ang korte.

Idinagdag ni Ecaldre, updated ang kanilang pagbabayad ng mga renta sa China Bank kung saan ay nag-iisyu ng Manager’s Check para deretsong ibinabayad sa korte bilang renta ng kanilang mga puwesto habang wala pang resulta o desisyon sa kasong kanilang isinampa sa pamunuan ng nagdaang administrasyon sa lungsod na pinamumunuan pa noon ni dating Mayor Rolen C. Paulino, Sr., na ngayon ay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator.

Ang kapalaran sa usapin sa palengke ay naisalin ni Mayor Paulino sa anak nitong si Rolen Paulino, Jr., nang manalo ang huli sa nakaraang eleksiyon bilang mayor, habang ang ama ay naitalaga bilang chairman ng SBMA.

Umasa ang manininda na magkakaroon ng kalutasan ang kanilang problema sa pagpasok ng abogado at bagong mayor ng Olongapo.

Ngunit tila nagkamali ang mga vendor dahil kamakailan lamang ay nabulaga ang mga manininda nang sila ay muling makatanggap ng memorandum na nagsasabing sila ay papaalisin na sa kanilang mga puwesto kung hindi sila magbabayad direkta sa city hall, kasabay ang pagkuha ng bagong business permit.

Dapat din silang magbayad ng renta na tumaas ng 1000%, Kung saan ang dating P180 kada buwan ay naging P2,000.

Nakalulungkot ngunit pikit-mata na rin umano nilang tinatanggap ang napakalaking problema kaysa maipasara ang kanilang puwesto, na pinagkakakitaan para sa pang-araw-araw na pagkain at iba pang gastusin.

Samantala, inirereklamo rin ng grupo ang naglipanang illegal vendors sa paligid ng palengke na hindi naman umano sinisita ng mga tauhan ng Market Master.

Sana ay matapos na ang mahabang labanang ito upang ang pag-usad ng kapayapaan at pag-unlad ay madama nang muli ng lahat.

**********

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, mag-email sa [email protected]

About Randy Datu

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …