Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Julia Barretto

Julia at Carlo, may special treat sa pelikulang Expensive Candy

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TUNGHAYAN ang tagos-pusong linyahan at kakaibang screen chemistry nina Carlo Aquino at Julia Barretto sa una nilang pagtatambal sa Expensive Candy.

Masarap, nakaaadik, at hahanap-hanapin. Matitikman na ang most special treat ng taon, dahil mapapanood na ang Expensive Candy sa mga sinehan ngayong September 14, 2022.

Isang romance film mula sa writer at director ng blockbusters tulad ng 100 Tula Para Kay Stella, The Day After Valentine’s, at Just a Stranger, na si Jason Paul Laxamana. Dito’y bibida si Julia, like you’ve never seen her before at ang award-winning actor na si Carlo.

Ibang Julia ang makikita sa pelikulang nagpapatunay ng versatility ng Viva Prime Actress dahil gaganap siya rito bilang isang mamahaling hostess sa Angeles City.

Ibinahagi ni Julia ang excitement niya sa pagganap bilang Candy, “I’m so, so, so excited for everybody to see this. It’s [like] nothing that I’ve ever done before. I’d like to believe it’s a coming-of-age film,” aniya sa interview mula Push.

Isang kuwento ng pag-ibig na mahahanap sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon, tungkol kay Renato “Toto” Camaya (Carlo), isang high school teacher na mala-love at first sight kay Candy (Julia) matapos nitong bayaran ang isang gabi para makasama ang dalaga. Iba ang dating at hindi mawala sa isip ni Toto si Candy, kaya susubukan niyang mapalapit dito at makasama araw-araw, gabi-gabi. Kahit na mahirap at ma-effort, kahit bayaran pa niya ang oras nito. Isang simpleng lalaki na may simpleng pamumuhay, ang tanging pangarap lang ni Toto ay ang makasama si Candy at handa siyang gawin ang kahit na ano at ibigay ang lahat para rito.

Pero may ibang plano si Candy, at hindi ‘yon ang makasama at maging sila ni Toto. Gusto niyang yumaman at umangat sa buhay habang ginagawa ang bagay na alam niyang magaling siya: ang mang-akit ng mayayamang lalaki na bibigyan siya ng maraming pera para mamuhay nang payapa at marangya. Mabago pa kaya ni Toto ang isip ni Candy at tuluyang ibahin ang pangarap nito? O magigising sa katotohanan si Toto at tatanggapin na mahal mahalin ang isang gaya ni Candy?

I-ready na ang mga tickets at pumila sa mga sinehan, mapapanood na ang Expensive Candy ngayong September 14, nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …