Monday , February 24 2025
Baggao Cagayan

Hagupit ng bagyong Florita
BAGGAO, CAGAYAN BINAHA, 3 TULAY HINDI MADAANAN

TULUYANG lumakas ang bagyong Florita (international name: Ma-on) nitong Martes ng umaga, 23 Agosto, nagdulot ng walang tigil na ulan at malalakas na hangin sa bayan ng Baggao, lalawigan ng Cagayan.

Sa pinakahuling situational report na kinalap mula kay Narciso Corpuz, hepe ng Baggao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nag-iwan ang bagyong Florita ng tatlong hindi madaanang mga tulay sa nabanggit na bayan dahil sa dulot nitong pagbaha.

Tinukoy ang Bagunot Bridge sa Brgy. San Isidro, Taytay Bridge at Sippaga Bridge, parehong sa Brgy. Nangalinan, pawang hindi madaanan dahil sa pagbaha sanhi ng pag-ulang dala ng bagyo.

Hindi rin madaanan ang Zone 7 sa Brgy. San Vicente at Zone 4 sa Brgy. Taytay dahil sa tumataas na tubig sa kalsada.

Naiulat ang patay-sinding koryente sa ilang mga barangay.

Naitala ang mga sumusunod na bilang ng mga pamilya at mga indibidwal na inilikas mula sa kanilang mga tahanan at pansamantalang pinasilong sa mga nakatalagang evacuation center at iba pang establisimiyento kabilang ang mga pribadong bahay:

Brgy. Taytay, 36 pamilya/103 katao (Salinong Multi-Purpose Hall);

Brgy. Bitag Grande, 19 pamilya/60 katao (Private Houses);

Brgy. Bagunot, pitong pamilya/18 katao (ec-brgy hall and private houses);

Brgy. San Francisco, limang pamilya/15 katao (ec-private houses);

Brgy. Temblique, isang pamilya/dalawang katao (ec-private house); Brgy. Barsat East, 96 pamilya/240 katao (ec-brgy hall);

Bgry. Dalla, 14 pamilya/43 katao (ec-school);

Brgy. Alba, siyam na pamilya/29 katao (ec-school);

Brgy. Versosa, 36 pamilya/88 katao (private houses and brgy. Hall);

Brgy. Dabbac, 1 katao;

Brgy. Agaman Sur, apat na pamilya/9 katao;

Brgy. Asassi, limang pamilya/15 katao;

Brgy. Nangalinan, 24 pamilya/ 75 katao;

Brgy. Remus, pitong pamilya/ 25 katao; at

Brgy. San Isidro, siyam na pamilya/46 katao.

Gayondin, nananatiling suspendido ang mga klase mula pre-school hanggang college level (public at private); habang patuloy ang operasyon ng mga pribado at pampublikong tanggapan ayon sa kautusan ni Cagayan Governor Manuel Mamba.

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

Coco Martin, Kaisa ng FPJ Panday Bayanihan sa Misyon ng Serbisyong Totoo

PANGASINAN – Inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan partylist sa …

Erwin Tulfo Imelda Aguilar April Aguilar Alelee Aguilar

Sa courtesy visit plus motorcade
ACT-CIS REP. ERWIN TULFO MULING PINAGTIBAY SUPORTA SA LAS PIÑAS

NAGSAGAWA ng kortesiyang pagbisita si ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo sa mga opisyal ng Las …

Calamba, Laguna

Calamba residents nababahala sa POGO

CALAMBA — Kamakailan maraming residente sa Lungsod ng Calamba ang nabahala matapos ang inilunsad na …

Mag-utol inaresto sa P.408-M shabu

Mag-utol inaresto sa P.408-M shabu

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang magkapatid na sangkot sa pagtutulak ng droga …

P.9-B halaga ng luxury cars  nasakote ng CIIS-MICP sa Taguig City

Taguig auto shop nanindigan luxury cars locally purchased

NANINDIGAN ang Auto Vault Shop, ang auto shop na sinalakay at nakitaan ng Bureau of …