Tuesday , December 24 2024
Baggao Cagayan

Hagupit ng bagyong Florita
BAGGAO, CAGAYAN BINAHA, 3 TULAY HINDI MADAANAN

TULUYANG lumakas ang bagyong Florita (international name: Ma-on) nitong Martes ng umaga, 23 Agosto, nagdulot ng walang tigil na ulan at malalakas na hangin sa bayan ng Baggao, lalawigan ng Cagayan.

Sa pinakahuling situational report na kinalap mula kay Narciso Corpuz, hepe ng Baggao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nag-iwan ang bagyong Florita ng tatlong hindi madaanang mga tulay sa nabanggit na bayan dahil sa dulot nitong pagbaha.

Tinukoy ang Bagunot Bridge sa Brgy. San Isidro, Taytay Bridge at Sippaga Bridge, parehong sa Brgy. Nangalinan, pawang hindi madaanan dahil sa pagbaha sanhi ng pag-ulang dala ng bagyo.

Hindi rin madaanan ang Zone 7 sa Brgy. San Vicente at Zone 4 sa Brgy. Taytay dahil sa tumataas na tubig sa kalsada.

Naiulat ang patay-sinding koryente sa ilang mga barangay.

Naitala ang mga sumusunod na bilang ng mga pamilya at mga indibidwal na inilikas mula sa kanilang mga tahanan at pansamantalang pinasilong sa mga nakatalagang evacuation center at iba pang establisimiyento kabilang ang mga pribadong bahay:

Brgy. Taytay, 36 pamilya/103 katao (Salinong Multi-Purpose Hall);

Brgy. Bitag Grande, 19 pamilya/60 katao (Private Houses);

Brgy. Bagunot, pitong pamilya/18 katao (ec-brgy hall and private houses);

Brgy. San Francisco, limang pamilya/15 katao (ec-private houses);

Brgy. Temblique, isang pamilya/dalawang katao (ec-private house); Brgy. Barsat East, 96 pamilya/240 katao (ec-brgy hall);

Bgry. Dalla, 14 pamilya/43 katao (ec-school);

Brgy. Alba, siyam na pamilya/29 katao (ec-school);

Brgy. Versosa, 36 pamilya/88 katao (private houses and brgy. Hall);

Brgy. Dabbac, 1 katao;

Brgy. Agaman Sur, apat na pamilya/9 katao;

Brgy. Asassi, limang pamilya/15 katao;

Brgy. Nangalinan, 24 pamilya/ 75 katao;

Brgy. Remus, pitong pamilya/ 25 katao; at

Brgy. San Isidro, siyam na pamilya/46 katao.

Gayondin, nananatiling suspendido ang mga klase mula pre-school hanggang college level (public at private); habang patuloy ang operasyon ng mga pribado at pampublikong tanggapan ayon sa kautusan ni Cagayan Governor Manuel Mamba.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …