Saturday , January 4 2025
Baggao Cagayan

Hagupit ng bagyong Florita
BAGGAO, CAGAYAN BINAHA, 3 TULAY HINDI MADAANAN

TULUYANG lumakas ang bagyong Florita (international name: Ma-on) nitong Martes ng umaga, 23 Agosto, nagdulot ng walang tigil na ulan at malalakas na hangin sa bayan ng Baggao, lalawigan ng Cagayan.

Sa pinakahuling situational report na kinalap mula kay Narciso Corpuz, hepe ng Baggao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nag-iwan ang bagyong Florita ng tatlong hindi madaanang mga tulay sa nabanggit na bayan dahil sa dulot nitong pagbaha.

Tinukoy ang Bagunot Bridge sa Brgy. San Isidro, Taytay Bridge at Sippaga Bridge, parehong sa Brgy. Nangalinan, pawang hindi madaanan dahil sa pagbaha sanhi ng pag-ulang dala ng bagyo.

Hindi rin madaanan ang Zone 7 sa Brgy. San Vicente at Zone 4 sa Brgy. Taytay dahil sa tumataas na tubig sa kalsada.

Naiulat ang patay-sinding koryente sa ilang mga barangay.

Naitala ang mga sumusunod na bilang ng mga pamilya at mga indibidwal na inilikas mula sa kanilang mga tahanan at pansamantalang pinasilong sa mga nakatalagang evacuation center at iba pang establisimiyento kabilang ang mga pribadong bahay:

Brgy. Taytay, 36 pamilya/103 katao (Salinong Multi-Purpose Hall);

Brgy. Bitag Grande, 19 pamilya/60 katao (Private Houses);

Brgy. Bagunot, pitong pamilya/18 katao (ec-brgy hall and private houses);

Brgy. San Francisco, limang pamilya/15 katao (ec-private houses);

Brgy. Temblique, isang pamilya/dalawang katao (ec-private house); Brgy. Barsat East, 96 pamilya/240 katao (ec-brgy hall);

Bgry. Dalla, 14 pamilya/43 katao (ec-school);

Brgy. Alba, siyam na pamilya/29 katao (ec-school);

Brgy. Versosa, 36 pamilya/88 katao (private houses and brgy. Hall);

Brgy. Dabbac, 1 katao;

Brgy. Agaman Sur, apat na pamilya/9 katao;

Brgy. Asassi, limang pamilya/15 katao;

Brgy. Nangalinan, 24 pamilya/ 75 katao;

Brgy. Remus, pitong pamilya/ 25 katao; at

Brgy. San Isidro, siyam na pamilya/46 katao.

Gayondin, nananatiling suspendido ang mga klase mula pre-school hanggang college level (public at private); habang patuloy ang operasyon ng mga pribado at pampublikong tanggapan ayon sa kautusan ni Cagayan Governor Manuel Mamba.

About hataw tabloid

Check Also

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

QCPD Gera vs bawal na paputok

Gera vs bawal na paputok, ipatutupad ng QCPD para  sa ligtas na Bagong Taon

MAHIGPIT na ipatutupad ng Quezon City Police District (QCPD), sa pangunguna ni Acting District Director …

Sa Bulacan KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

Sa Bulacan  
KOMPISKADONG ILEGAL NA PAPUTOK AT PYROTECHNIC DEVICES ITINAPON

SA PAGSISIKAP na matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang ilegal na paggamit ng …

Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon …